Thursday, January 30, 2014

Wednesday, January 29, 2014

The Hobbit

Naisip ko lang na kung pareahas ang haba ng 3 pelikula sa The Hobbit trilogy ni Peter Jackson, mukhang mas mabilis matatapos ng isang tao na basahin ang orihinal na libro kesa i-marathon yung 3 pelikula.


Tuesday, January 07, 2014

Grocery

Nag grocery ako kahapon at itong aleng ito ang nasa unahan ko. Halos 2,000 pesos yung binili niya tapos tig 5 pesos ang binayad.  Sa pagbilang pa lang ng pera ang tagal na, tapos ayaw pang maniwala sa bilang nung mga kahera kaya nag double check pa.

Kung wala sana siyang ibang pera puedeng pagbigyan, pero may hawak siyang tig 500 pesos.  Puede namang sa banko na lang siya nagpapapalit ng buo para mawala yung barya niya, hindi pa siya nakaabala ng tao.