Bishop: God save Pampanga from Arroyo
Hindi ko maubos maisip kung bakit takot na takot yung ibang tao sa pagtakbo ni Presidente Arroyo bilang Congressman. Sa pagbasa ko, ikinakatakot nila na sa pagiging Congressman, maipagpapatuloy ni Pres. Arroyo ang kanyang kapangyarihan. Pero paano? Kung si Teodoro siguro ang mananalo at si Pres. Arroyo ang malaking dahilan ng pagkapanalo niya, bka maging Speaker si Pres. Arroyo sa susunod na Kongreso. Pero maski na maging speaker siya, sa palagay niyo ba ay magpapadikta si Teodoro sa kanya sa buong termino nito? At kung hindi naman si Teodoro manalo, asa pa si Pres. Arroyo na magiging speaker siya. Maski na yung partido niya ang pinakamadami na maipanalo sa Kongreso, magbabalimbingan lang naman yung mga yon. Kung sino pa rin ang gusto ng susunod na Presidente, siya ang magigign Speaker.
Hindi ko rin maubos maisip kung bakit gugustuhin ni Pres. Arroyo na maging Congressman. Sa ngayon, bilang Presidente, lahat ng iutos niya ay kailangan na sundin na lahat na kawani ng Gobyerno, pero pag Congressman siya, kailangan pa niya na makipag negotiate sa kung sino-sinong tao at kung ano anong ahenisya para lang makuha yung kanyang CDF. Kung maging oposisyon pa siya, bka i-freeze pa ng namumunong partido ang CDF niya gaya ng ginagawa ng partido niya ngayon sa oposisyon.
At least kung magretiro na siya, puede siyang umarte na statesman, above the fray of normal politics. Pero habang nasa loob siya ng pulitika, makikita siyang partisano at lalo lang siyang madudungisan. Kung anot-anuman, gusto ka pa rin mapanood kung pano ang magiging pakikitungo sa kanya ng mga nasa Kongreso ngayon pag hindi na niya kontrolado ang CDF nila at parehas na lang sila ng puesto.
No comments:
Post a Comment