Wednesday, June 29, 2011

Kasal kasalan

Nuong isang araw,  nang gagalaite yung mga obispo ng simbahang kotliko dahil may mga kinasal na tomboy sa Baguio.  Gusto pa ng nila ipakulong yung mga kinasal dahil daaw labag sa batas ang kanilang ginawa, buti na lang at hindi sila pinatulan ng gobyerno kasi kung labag sa batras ang ginawa nung mga tomboy sa Baguio, pano na yung mga bata na naglalaro ng bahay bahayan at kasal kasalan araw araw.

Ngayon naman, ang argumento nila ay hindi puede magpakasal ang mga bakla at tomboy sa isa't isa dahil
...marriage is between man and woman and part of procreation and rearing of children.


“The conclusions from [these observation] is obvious: There can be no marriage between two individuals of the same sex, there can be no sexual union between parties of the same sex and there can be no possibility of the birth of children between two persons of the same sex,” he said.
 Ang kasal daw ay para magkaanak.  Ang buong akala ko, nagpapakasal ang dalawang tao dahil minamahal nila ang isa't isa.  Hindi pala,  ayon sa obispo ng simbahang katoliko, basta babae at lalaki kayong gusto magpakasal, maski hindi kayo nagmamahalan, maski galit kayo sa isa't isa, maski nagpapakasal lang kayo dahil sa pera o para maging citizen ng bansa,  maski pinilit lang kayo ng inyong pamilya,  mas importante ang mga dahilang ito sa pagpapakasal kaysa sa pagmamahalan,  Sa mga obispo, walang papel ang pagmamahalan sa pagpapakasal.

Sa pagigigng inahing baboy naman ng babae,  palusot lang naman ito ng mga obispo,  kung talagang ang pagpapakasal ay para maging inahing baboy ang mga babae, bakit nagkakasal ang simbahan ng mga matatanda na menopause na?  Bakit hindi kasama sa requirements ng simbahan ang fertility test sa mga nagpapakasal?  Bakit sinasabi ng mga madre ay kasal na kay Hesukristo?

Walang magandang dahilan ang simbahan para ipagbawal ang pagpapakasal ng 2 tao na nagmamahalan maliban sa hindi nila ito gusto.  Sa bigkas ni Bishop Bacani, kadire kasi, pero hindi porket kadiri ang isang bagay sa ibang tao ay dapat na itong ipagbawal, lalo na kung wala namang nasasaktan dito.  Ano ba naman ang epekto sa inyo ng pagpapakasal ng 2 bakla o tomboy, buhay nila yon, hayaaan niyo sila.

No comments: