Tinaggal sa witness protection program si Mary Ong dahil sabi ni Sec. De Lima ay sa palagay nila ay wala ng panganib sa buhay nito. Hindi iyon ang punto, nangako ang gobyerno na pangangalagaan nito ang buhay nitong si Miss Ong ng pumayag siya na tumestigo para sa gobyerno. Maski wala ng panganib o hindi, kung ayaw umalis ni Miss Ong sa witness protection program, hindi dapat alisin ng gobyerno ang proteksiyon nito.
Kung gantio ng ganito ang trato ng gobyerno sa mga Pilipino na nagmalasakit at sumuong sa panganib para sa bayan, sino pa maglalakas ng loob para gawin ito? Hindi mahalaga kung may panganib pa sa buhay ni Miss Ong. Hindi mahalaga kung walang nangyari sa kaso kung saan siya naging testigo. Ang mahalaga ay sinabi ng gobyerno na pangangalagaan niya si Miss Ong kung tetestigo ito, ngayon bigla na lang niyang babawiin ang kanyang salita?
Ganito ba ang aasahan natin sa gobyerno ni Pangulong Aquino? Walang isang salita?
No comments:
Post a Comment