Katatapos ko lang basahin yung Ligo na u, Lapit na me, ni Eros S. Atalia, at hindi ko siya masyado nagustuhan. Magaling ang pagkakasulat niya, hindi ka ma bore sa kuwento habang binabasa mo siya, wala rin akong problema sa katapusan niya na walang resolusyon yung relasyon ng bida at ng kanyang ka MU. Hindi ko siya nagustuhan dahil sa walang kinahinatnan yung bida. Siguro nga gaya ng paliwanag nung nagsulat, ganyan talaga ang buhay, di naman laging may punto. Kaya lang, gusto ko ng libro na may kahihinatnan yung kuwento, yung mga karakter, may growth baga, may pinagkatandaan. Sabi ko nga sa kaopisina ko ang una kong naisip ko ng papatapos ko na basahin yung libro, parang kang nakinig sa isang kakwentuhan mo, nikuwento yung lovelife niya, tapos habang nagkuwentuhan kayo, kung ano anong pilosopiya, pagninilay nilay, kataran taduhan na naikwento niya. Entertaining, pero sa huli, ganun lang yon. Kwentong barbero.
No comments:
Post a Comment