Dahil sa gulong dulot ng pagtanggi ni Koko Pimentel na makasama si Migz Zubiri sa kanilang partido, naalala ko tuloy na inakusahan din ni Nene Pimentel si JP Enrile na nandaya sa kanya nuong 1995. Ayon dito sa istorya ng abs-cbn, ng matapos ang muling pagbilang sa Senate electoral Tribunal (SET), bumagsak ang puesto ni Enrile mula pagiging pang labing-isa (11) ito ay naging pang labing-lima (15). Hindi na natuloy ang protesta ni Nene Pimentel dahil sa nanalo na siya bilang Senador noong 1998.
Naalala ko tuloy kung bakit di ko binoboto si Enrile, maliban pa sa papel niya sa pag deklara ng Martial Law, maliban pa sa papel niya sa pagsuporta kay Honasan at indirectly sa mga coup nito, isa si Enrile sa pinaka bihasa sa pag manipula ng sistemang politikal ng Pilipinas para sa pansarili niyang kapakanan. Pero hangan pa rin ako sa pagpapatakbo niya ng impeachment ni Corona, ngayon nga lang sa halip na iniisip ko na baka dahil matanda na siya ay gusto niyang magkaroon ng magandang pangalan sa kasaysayan, baka mayroon pa siyang ibang binalak.
No comments:
Post a Comment