Sunday, October 21, 2012

Keep it simple, stupid

So this morning, while booting up my pc, it told me that my password has expired and that i had to change it. Which is fine except when I tried to change it, it refused, giving me this answer:
"Configuration information could not be read from the domain controller either because the machine is unavailable, or access has been denied."
So I did what I usually do when presented with computer problems, go to google and search for answers.And there were myriad answers, mostly involving booting from a win7 cd and using the command line. I tried several of them, nothing worked and when I was almost sure that I would need to re-install windows, I read the advice that saved me
"I had the same problem and was very tense. The solution was simple: 1) Go in to the BIOS and set the date to earlier than when the problem occurred 2) The computer should boot normally 3) Adjust the password settings for the user in question 4) Reset the date in windows and reboot Worked for me. I was thankful to have found the solution"
from stevefromgi from sevenforums. Something that we used to do to thwart viruses and what not, still fools windows

Monday, September 17, 2012

Jesse Robredo

Luma ng istorya ito pero nagustuhan ko article na ito sa PDI lalo na itong quote na ito

Robredo’s frugality and simplicity could be rooted in one principle. “He would always tell me that one who is in government should safeguard the government funds as if it were his own,” Leni said.

“So, one will also try to use it wisely,” she added.

Tuesday, June 19, 2012

Anong iniisip ni P-Noy?

Gusto daw niyang hirangin si Lacson na crime czar ng Pinas. Nakalimutan na ba niya mga ginawa ni Lacson?

http://pcij.org/stories/1995/pacc.html
"Chief Supt. Panfilo Lacson, who has been convicted of human rights violations, including torture, arrests without warrants and confiscation of property. In a case filed in February 1993, Lacson and other members of Task Force Makabansa, a composite group of AFP intelligence units, were ordered to pay five victims-former detainees of the Camp Bagong Diwa Detention Center-P350, 000 each in damages."
Tapos ng may hinaharap siyang kaso, sa halip na harapin niya ito, ang ginawa niya, nagtago. siya

http://www.abs-cbnnews.com/nation/04/27/11/pnoy-never-asked-ping-where-he-hid

Meron ba namang anti-crime czar na may kasaysayan ng paglabag mismo sa batas?

Thursday, June 14, 2012

dagdag-bawas

Dahil sa gulong dulot ng pagtanggi ni Koko Pimentel na makasama si Migz Zubiri sa kanilang partido, naalala ko tuloy na inakusahan din ni Nene Pimentel si JP Enrile na nandaya sa kanya nuong 1995.  Ayon dito sa istorya ng abs-cbn, ng matapos ang muling pagbilang sa Senate electoral Tribunal (SET),  bumagsak ang puesto ni Enrile mula pagiging pang labing-isa (11) ito ay naging pang labing-lima (15).  Hindi na natuloy ang protesta ni Nene Pimentel dahil sa nanalo na siya bilang Senador noong 1998.

Naalala ko tuloy kung bakit di ko binoboto si Enrile,  maliban pa sa papel niya sa pag deklara ng Martial Law,  maliban pa sa papel niya sa pagsuporta kay Honasan at indirectly sa mga coup nito,  isa si Enrile sa pinaka bihasa sa pag manipula ng sistemang politikal ng Pilipinas para sa pansarili niyang kapakanan.  Pero hangan pa rin ako sa pagpapatakbo niya ng impeachment ni Corona,  ngayon nga lang sa halip na iniisip ko na baka dahil matanda na siya ay gusto niyang magkaroon ng magandang pangalan sa kasaysayan,  baka mayroon pa siyang ibang binalak.

Monday, June 11, 2012

Pamimilosopo

Sa buhay nating mga pinoy, may mga tao tayong tinatawag na pilosopo, ito yung mga tao na magaling mag debate, na kayang-kayang magpaikot ng katwiran para ma-suportahan kung ano man ang kanyang sinusulong na posisyon.  Sa politika, isa si Amando Doronila sa mga taong ito,  magaling magsulat at magpaikot-ikot ng salita.  Pero kagaya ni dating CJ Corona na sinuportahan niya, mahuhuli rin natin si G. Doronila sa kanyang pamimilosopo mula sa kanya mismong pananalita.

Ayon sa pinakabago niyang column sa Inquirer, hindi daw puedeng maging CJ ang isang tuta ni Presidente Aquino kasi, "The public will find it hard to accept a presidential toady as the next Chief Justice."  Mahihirapan daw tanggapin ng taongbayan ang isang CJ na tuta ni Presdiente Aquino.  Pero siya, bakit niya sinuportahan ang isang CJ na tuta ni dating Presidente Arroyo?  Ano ang pagkakaiba ng isang CJ na tuta ni Aquino sa isang CJ na tuta ni Arroyo?  Bakit sinuportahan niya ang isa at hindi ang isa?

Bakit di rin niya sinabi na mas gusto ng nakararami na matanggal si Corona bilang CJ?  Bakit tama ang desisyon ng publiko na hindi tanggapin ang isang tutang CJ ni Aquino pero mali sila sa kagustuhan nilang tanggalin si Corona?

Yan ang kahinaan ng mga namimilosopo, magaling silang magsalita, pero dahil sa kagustuhan nilang manalo sa debate, lahat na lang ng katibayan maski magkalaban (contradictory) ay kanilang sinusulong.  At dito natin makikita na hindi tunay ang kanilang pagsulong sa kanilang posisyon, kunwa kunwari lang, namimilosopo lang.

Monday, May 28, 2012

Penalties

Mukhang kumbinsido ang mga Senador na may ginawang kamalian si CJ Corona sa hindi niya pag declare ng limpak limpak niyang saalapi sa kanyang SALN kasi maski si Senador Miriam parang nakikipag haggle na lang na yung parusa na ibigay sa kanya ay yung hindi pag sipa sa trabaho.  Ayon sa GMA news:

"Senator Miriam Defensor-Santiago, for her part, asked whether the Senate can impose a lesser penalty if ever Corona is convicted on the charges made against him.
 
She specifically cited Section 3 (7) of Article XI which says: "Judgment in cases of impeachment shall not extend further than removal from office and disqualification to hold any office under the Republic of the Philippines, but the party convicted shall nevertheless be liable and subject to prosecution, trial, and punishment, according to law."
 
"Thus the Senate can impose a lesser penalty like censure, reprimand, fine, suspension form office or the like. In case of conviction how should the penalty be determined?" she said during the trial."

Impeaching Justices

Maliban kay CJ Corona, may impeachment complaint kay Justice Mariano del Castillo. Inakusahan siya ng plagiarism, kinopya niya sa ibang tao ang mga sinusulat niya sa kanyang mga desisyon.  Kung hindi ma-impeach si CJ Corona sa pag sisinungaling sa kanyang SALN, pano pa ma impeach si Justice del Castillo sa plagiarism?

Friday, May 25, 2012

Ibigay sa Ombudsman

Bakit di na lang ibigay sa Ombudsman yung waiver ni Corona para mas mapadali yung pag dismiss ng kaso.  Kung mali naman pala yung sinasabi ng Ombudsman, mas madali nila itong maitatama kung may waiver sila galing sa kanya.