Hindi ako pumasok kahapon kaya napanood ko yung NBA finals, saka yung canvassing ng elections. Habang pinapanood ko yung canvassing naisip ko lang na hindi natin dapat binibigyan ng ganitong kapangyarihan ang kongreso.
Napanood ko kung saan, pinagbobotohan nung mga kasapi ng Canvassing Committee kung bibilangin ba nila o hindi yung Certificate of Canvass. Invariably, natatalo yung oposisyon dahil mas marami yung administrasyon, Bigla ko na lang naisip, pano kung baligtad ang sitwasyon? pano kung mas marami yung oposisyon, kaysa administrasyon?
Sabi ni Senator Joker Arroyo, ang papel lang ng canvassing committe, ay mag canvass, ng Certificates of Canvass(COCs). Hindi na dapat ito bumaba sa Statements of Votes (SOVs) dahil ang Presential Electoral Tribunal, ang tamang forum para maghain ng kuwestion tungkol sa mga SOVs at Election Returns (ERs)
Sabi naman ni JV Bautista, hindi raw ni-take into consideration ni Joker yung mga rules na ni-promulgate ng Canvassing Committee na nagbibigay ng karapatan sa Canvassing Committee na makialam sa SOVs.
Hindi ko alam, kung ang rules na sinasavi ni JV Bautista ay dati ng nakalagay o isa sa mga rules na pinagtibay ng Canvassing Committee sa hiling ng oposisyon.
Pero sa tingin ko, napaka delikado magkaroon ng ganitong kapangyarihan ang Kongreso. The Congress is a political body, and it will always remain so. Inaalala ko baka dumating ang isang panahon na may kandidatong natalo pero kontrolado niya ang Kongreso, puede niyang gamitin ang mga rules na ito ngayon para i-dispute ang botohan, at magkaroon ng no-proclamation. Iniisip ko pa nga na puede niyang isantabi yung disputed votes, tapos bilangin lang yung undisputed votes kung saan nanalo siya, tapos ipadeklara niyang siya ang nanalo base sa mga undisputed votes.
I know that I am being an alarmist and that we should only consider this particular circumstance. Pero we have acceded to politicising (may ganito bang salita?) , what is already a political process. Nakakatakot yan.
I believe that the Canvassing Committee should be limited to doing a ministerial duty (yung sinasabi ni Joker), as far as possible, huwag na nating bigyan ng pagkakataon na haluan ng politika ang what should be a straight-forward process.
P.S. Ang assumption ko hindi nandaya si Gloria. O kung sino man ang nanalo, at puedeng madehado sa ganitong proseso.
1 comment:
I have a habit of presuming pagdating sa local politics. I was presuming that congress has the obligation to only canvass the CoC's. Bakit pa nila pinagtatalunan pa kung gagawin nila ang obligasyon nila o hindi? E di bale wala na lang yung pagboto natin? Palakasan sa congreso na lang ba ang paiiralin nyan?
Post a Comment