Nanonood ako ng Prime News ngayon sa ANC kung saan nagrereklamo si Nikki Coseteng kung bakit hindi nilalagay ng NAMFREL yung bilang ng bumoto sa kanilang press advisory. Ang hindi ko maintindihan, bakit siya nagagalit sa NAMFREL samantalang dapat may sariling Election Returns ang oposisyon, yung panglimang kopya ng official ER's ay para sa oposisyon.
Ang hirap sa oposisyon napaka bilis magreklamo ng pandaraya wala namang ginagawa para maiwasan yung pandaraya. Yung organisasyon na tuwing eleksiyon na lang ay nagpapakahirap para mabawasan o maiwasan ang pandaraya sa Pilipinas, sila pa yung nababatikos.
Full disclosure: naging member po ako ng NAMFREL, hindi mataas ang naging posisyon ko, hanggang watcher lang.
No comments:
Post a Comment