Malapit na daw matapos ang paglilitis ni dating Pangulong Erap, kaya gusto ko namang alalahanin ang kanyang pagiging presidente. (The trial of former President Estrada is supposed to end soon so I want to post these pictures as a reminder to Filipinos of his presidency)
8 comments:
He was bad but as it turned out GMA is worse....
Hi Nashman,
Pasensiya ka na sa late na pagsagot ko, binalak ko na magsulat ng mas mahaba at kumpletong sagot sa sinulat mo, pero mukhang hindi ko magagawa.
Anyway, since paghahambing ang pinag-uusapan natin dito, hindi ako makapayag na mas masama si GMA kay Erap. Sa aking opinyon, mas masahol pa rin ang naging asal ni Erap noong siya ay Presidente, kaysa sa naging asal ni GMA ngayong Presidente siya.
Mas marami pong prisoners of conscience at mga oppositionists na namatay sa rule ni GMA since Marcos.
Tanggap na nating magnanakaw si Erap at ang kanyang mga kakutsaba tulad nina Singson at Atong Ang.
To his credit, si Erap hindi nagmamalinis about his lifestyle.
Si GMA, madasaling tao yan pero her actions are the opposite.
Kahit sabihin nating mas matalino si GMA ng malayo kay Erap, masasabi mo bang siya ay nag-i-isip ng maayos by appointing say, Gonzalez to Justice, Atienza to DENR, Palparan as consultant??
Either way, irrelevant na rin kung mas 'mabuti' si GMA kay Erap dahil pareho silang dapat nakakulong by this time. Dapat lahat ng uri ng pandaraya, whether jueteng kickbacks or election manipulation, ay hindi natin pinalalampas...
cheers,
nash
Hi Nashman,
1. on Extra-Judicial killings - palagay ko ito ay simtomas ng kaguluhang nangyayari sa lipunan natin. Na reflect lang ang hindi pagsunod ng mga Pinoy sa "Rule of Law." At nahawa, o hindi pa napasok sa utak ng ilang kasapi ng militar/pulis na sila ang kauna-unahan na dapat sumusunod sa batas. Kasalanan ito ni GMA dahil sa hindi niya mai-ayos ang pulitikal na sistema, pero hindi ako naniniwala na may kinalaman siya sa patayan na nangyayari.
2. Sa pagmamalinis - sumasang-ayon ako na nakaka-suka ang pagmamalinis ng pamilya ni GMA. Pero pare, yung hindi pagmamalinis ni Erap, hindi siya creditable sa akin, ang dating kasi sa akin ni Erap parang sinasabi niya sa buong mundo na kaya niyang balu-baluktutin ang lahat ng batas dahil siya ang Presidente. Mas madali siyang nahuli dahil dito, pero ayoko naman na siya ang maging "role model" ng mga pulitiko natin.
3. Appointments - Nag appoint naman si GMA ng mga matitinong tao, noon nga lang madiskubre si Garci, nag resign ang mga taong ito at pinag-resign siya. Hindi na siguro natin masisisi si GMA kung sa mga araw na ito, ang ina-appoint na lang niya ay yung sigurado siya na tuta niya. Self-preservation na yon.
4. At sumasang-ayon din ako na irrelevant nga na pag-usapan kung sino ang mas masama sa nakaraang dalawang Presidente ng ating bayan. Dahil nga pareho na hindi maganda ang record nila.
:)
Roy
Alam, mo, ako'y nasusuka na baka in da future maging first lady natin si korina sanchez...eewwww!
God help us!
lahat naman tayo may kahinaan so stop na natin ang bangayan instead magtulungan na lang tayo para magkaroon naman ng kaunlarana ng bansa natin. kung titingnan naman natin wala namang dumaan na presidente natin na malinis ang panunungkulan kung may labulastugan man na nagawa hindi lang halata. Erap we admit na meron talaga siyang mali pero siguro naman enough na yung pinagdaanan niya to realized his mistakes as a person and as a former president ika nga if we could only turn back time and correct our mistakes pero wala tayong time machine to do that. well lets go to gloria. and to those na agree sa administration ni Gloria hindi niyo ba nararamdaman ang hirap sa kabila ng pagbaba ng dolyar? bumama ang dolyar but still people suffer, mas garapal nga siya kung titingnan kasi hindi naman kanya ang pwedto niya ngayon pero proud pa rin siya na nakaupo to think na nakuha niya iyon sa pandaraya. come to think about it if ganito ang mangayayari sa lipunan natin kahit anong kayod natin hindi pa rin natin mararanasana ang pagunlad.

Post a Comment