Monday, March 31, 2008

Nagtatanong lang

Nung isang araw, pinakiusapan ni Senador Pimentel si Agriculture Secretary Yap na patotohanan kung ang kanyang biyenan ay kasama sa mga rice traders. Kung kasama daw ang biyenan ni Sec. Yap, siguro daw dapat umalis ang biyenan nito sa gawaing ito para walang conflict of interest si Sec. Yap.

Na marinig ni Sec. Yap ang pakiusap ni Sen Pimentel, sabi niya na hindi nangangalakal ng bigas ang kanyang biyenan at hiniling ni Sec. Yap kay Sen. Pimentel sana ay kumuha muna siya ng katibayan bago siya magsalita.

Sa huli sabi ni Sen. Pimentel na wala naman daw siyang ginawang masama dahil nagtatanong lang siya.

Sa kontrobersiyang ito, pumapanig ako kay Sen. Pimentel, nagtatanong nga lang naman siya, ano ba naman ang masama doon? Kung tanungin ba kita kung magnanakaw ang tatay mo, ibig bang sabihin noon ay sinasabi ko na magnanakaw ang tatay mo? Hindi naman di ba? Nagtatanong lang. Ganoon din ang ginawa ni Sen Pimentel, wala namang masama sa pagtatanong di ba?

3 comments:

Anonymous said...

Tama po kayo, wala naman pong masama sa magtanong... Kahit nga po mali ang tanong. Hindi po masama yun... nakakahiya lang po.. (hehe)

The Nashman said...

sus, Agriculture Secretary Yap, NOT qualified for his post! Incompetent!

Baka kamag-anak niya si Tiny Tim. Nagtatanong lang....

Roy C. Choco, FCD said...

The competence of Sec. Yap is not the point of the post. It's how pinoy politicians have perfected the art of innuendo to discredit their opponents.