Showing posts with label SONA. Show all posts
Showing posts with label SONA. Show all posts

Monday, July 25, 2011

Wala pa ring Nagbago

Ang pinaka nangunguna ngayon sa mga rally ay nag BAYAN, BAYAN MUNA at kanilang mga kaalyadong organisasyon.  At ang kanilang pangunahing sigaw ay walang nagbago sa panahon ng gobyernong Aquino. 

Kaya lang paano mo naman seseryosohin ang ganitong klaseng sigaw kung ang kanilang sigaw ay wala ring pinagbago.  Mula pa nuong panahon ni Presidente Marcos, lahat na lang ng gobyerno sa Pilipinas ay tinawag nilang tuta ng kano.  Joke nga nung ka-org ko nung college, dapat ang mga poster nila "Ibagsak ang US_____ Regime"  fill in the blank na lang pag nagbago yung gobyerno.  25 taon na mula nung mapagsak si Presidente Marcos, wala pa ring pinagkaiba ang kanilang pagtingin nila sa gobyerno. 

Sasabihin nila, wala naman talaga pinagkaiba.  At kung ang pag-uusapan natin ay ang political economy ng bansa,  maaaring totoo iyon,  pero ang gobyerno ng Pilipinas?  Siguro bago sila humingi ng pagbabago sa lipunan,  suriin muna nila ang kanilang mga sarili at tingnan kung kailangan na rin nila ng pagbabago.


Photo courtesy of Mr. John Paraiso

Walang Nagbago

Sa SONA ni Presidente Aquino ngayong araw,  marami ang nagmartsa na nagsasabing walang nagbago sa Pilipinas,  walang nagawa ang gobyerno ni Presidente Aquino.

Kung kakausapin siguro natin ang maraming Pilipino,  madami ang sasang-ayon sa ganitong saloobin.  Kung buhay at buhay lang ang pag-uusapan, wala talagang masyado nabago sa pamumuhay nating Pilipino.  Kayod pa rin ng kayod, taas pa rin ng taas ang presyo ng mga bilihin.

Ngunit, datapwat, subalit,  Kung titingnan mo kung may nabago sa gobyerno,  madami kang makikita.  Dati, corrupt ang presidente mo, ngayon hindi na.  Dati, pinagtatakpan ng ombudsman ang katiwalian ng mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na.  Dati,  pera ng PCSO, pinamimigay lamang sa mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na, etc, etc.  Hindi man natin nararamdaman na gumaganda ang buhay natin,  minsan nga, sumasahol pa,  kailangan pa rin natin intindihan na maliban na lamang kung tumama tayo sa sweepstakes, mahirap maramdaman ang biglang pagbabago sa ating buhay.

Ang kinakatakot ko ay maging truism, o katotohanan sa tao ang kasabihan na wala namang pinagkaiba ang gobyerno ni Aquino at gobyerno ni Arroyo, na sa susunod na mga eleksyo, iisipin na lang nila na bumoto sa corrupt na kandidato, at least duon may mahihita sila, sa hindi corrupt wala.


Photo courtesy of Mr. John Paraiso