Kaya lang paano mo naman seseryosohin ang ganitong klaseng sigaw kung ang kanilang sigaw ay wala ring pinagbago. Mula pa nuong panahon ni Presidente Marcos, lahat na lang ng gobyerno sa Pilipinas ay tinawag nilang tuta ng kano. Joke nga nung ka-org ko nung college, dapat ang mga poster nila "Ibagsak ang US_____ Regime" fill in the blank na lang pag nagbago yung gobyerno. 25 taon na mula nung mapagsak si Presidente Marcos, wala pa ring pinagkaiba ang kanilang pagtingin nila sa gobyerno.
Sasabihin nila, wala naman talaga pinagkaiba. At kung ang pag-uusapan natin ay ang political economy ng bansa, maaaring totoo iyon, pero ang gobyerno ng Pilipinas? Siguro bago sila humingi ng pagbabago sa lipunan, suriin muna nila ang kanilang mga sarili at tingnan kung kailangan na rin nila ng pagbabago.
Photo courtesy of Mr. John Paraiso
1 comment:
ang nagbago lang yung mga mukha sa effigy na sinusunog. harhar.
sana may counter-sona naman sila para mabasa natin ano ang alternatibo kung sakali.
Post a Comment