Kung kakausapin siguro natin ang maraming Pilipino, madami ang sasang-ayon sa ganitong saloobin. Kung buhay at buhay lang ang pag-uusapan, wala talagang masyado nabago sa pamumuhay nating Pilipino. Kayod pa rin ng kayod, taas pa rin ng taas ang presyo ng mga bilihin.
Ngunit, datapwat, subalit, Kung titingnan mo kung may nabago sa gobyerno, madami kang makikita. Dati, corrupt ang presidente mo, ngayon hindi na. Dati, pinagtatakpan ng ombudsman ang katiwalian ng mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na. Dati, pera ng PCSO, pinamimigay lamang sa mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na, etc, etc. Hindi man natin nararamdaman na gumaganda ang buhay natin, minsan nga, sumasahol pa, kailangan pa rin natin intindihan na maliban na lamang kung tumama tayo sa sweepstakes, mahirap maramdaman ang biglang pagbabago sa ating buhay.
Ang kinakatakot ko ay maging truism, o katotohanan sa tao ang kasabihan na wala namang pinagkaiba ang gobyerno ni Aquino at gobyerno ni Arroyo, na sa susunod na mga eleksyo, iisipin na lang nila na bumoto sa corrupt na kandidato, at least duon may mahihita sila, sa hindi corrupt wala.
Photo courtesy of Mr. John Paraiso
No comments:
Post a Comment