May nag post nitong video na ito sa isang group na kasama ako. sinagot ko na rin naman don, gawin ko na blogpost, sayang panahon.
Ok pinanood ko yung video at hindi ako impressed.
Una.Ang title nung vdeo ay bakit mahirap ang mga Pilipino pero ang kanyang message ay ang pagpapago ng saligang batas mula presidential patungong parliamentary. Pero ang tanging suporta niya bakit parliamentary ang maganda ay dahil mayayaman ang mga bansa na parliamentary ang gamit na sistema. Isa itong fallacious na argument, correlation does not equal causation, besides ang USA ang pinakamayamang bansa sa buong mundo at presidential ang gamit niya. Bakit hindi ito lumabas sa video, dahil ba masisira ang argumento nung gumawa ng video?
Pangalawa. Bakit presidential ang sistema ng Pilipinas. Namana natin ang sistemang presidential sa mga amerikano, ito ang gamit natin mula 1946 hanggang sa mag martial law si Marcos at binago niya't ginawang parliamentary. Kaya nung mapabagsak si Marcos nung 1986 at magkaroon ng constitutional convention, natural lang na mangimi ang mga kasapi ng convention na gamitin ang isang sistema na ginamit ni Marcos, kaya nanalo sa botohan ang presiential system. Kung hindi alam nung gumawa ang kasaysayan ng Pilipinas bakit ko siya paniniwalaan sa iba pa niyang sinasabi?
Pangatlo. Bakit hindi sinusuportahan ng AKBAYAN ang pagbabago ng sistema mula presidential patungo parliamentary. Kasi, hindi pinagkakatiwalaan ng AKBAYAN ang mga tao na nagsusulong nito. Si Erap? Si Joe De Venecia? Si GMA? Naniniwala ang AKBAYAN na sinusulong lang ng mga taong ito ang pagbabago ng sistema ng gobyerno para mas tumagal sila sa kanilang poder sa kapangyarihan. Ang gobyerno natin ngayon ay may limitasyon sa pagiging presidente, ang prime minister sa isang parliamentary system ay wala.
No comments:
Post a Comment