Halimbawa, itong mga bagong testigo na PNP. Mayroon silang mga sinasabi na madali naman patunayan kung totoo o hindi.
"Santiago said the operation was scheduled to be carried out on Jan. 23 and 29 and Feb. 5 and 27, 2005, starting at around 11 p.m. up to around 2:30 a.m. the next day.Kailangan lang lumang balita nitong mga araw na ito na may nagkaroon ng bomb threat sa Batasan. Sinubukan ko tingnan yung unang araw sa Archives ng Manila Bulletin, January 24 at 25, walang balita na angkaroon ng bomb threat sa Batasan. Hindi naman ako makapaniwala na hindi mababalita ang bomb threat sa Kongreso. Pero sige, sabihin natin na nag bomb threat sila at hindi ito nabalita at walang nakatunog sa mga reporters na 4 na lingo sunod sunod na may bomb threat sa Kongreso, kumusta na yung ERs.
To ensure that no one else would be at the Batasan main building when his team moved in, a bogus bomb threat was announced, he said."
"Santiago said the documents presented to De Lima were among the original ERs stuffed in more than 100 Marlboro cigarette boxes taken by his team from the Batasan main building."mga ER's na sa tingin ni Secretary de lima ay mukhang tunay, pero bakit di na lang muna niya pinatunayan kung tunay nga yung ER's bago sila nagpa press conference. Madali lang naman mapatunayan kung tunay nga o hindi yung mga ER's eh, sabi nga ni Atty.Panelo
"According to Panelo, tampering with the ERs should have been done before the canvassing and not after, when lawyers of each and every candidate have already scrutinized the ERs.Mayroong 7 kopya ng ER, isa sa COMELEC, isa sa Kongreso, isa sa NAMFREL, tig isa yung Minority at Majority party. Sana, kinumpara muna nila yung Election Returns na binigya sa kanila una, sa kopya sa Kongreso. Kung nagkaroon nga ng pagpapalit, dapat magkaiba yung nasa Kongreso at dun sa hawak nila. Kung magkaiba, ihambing naman nila sa kopya sa COMELEC, kung parehas yung sa COMELEC at yung binigay kay Sec. De Lima, aha, malaki na ang katunayan na malamang nagkaroon nga ng pagpapalit. Para mas sigurado pa sila, ihambing pa rin nila yung ER sa kopya ng NAMFREL.
Panelo said perpetrators should replace all 7 copies of the ERs for the switching to succeed."
Meron din palang nilabas na video si Sen. Lacson na kung titingnan mo naman ay mga tao na naglalabas at nagpapasok ng mga mukhang ballot boxes. Pero walang konteksto, hindi mo alam kung mga taong COMELEC yun na binobodega yung mga ballot boxes.
Gugustuhin ko na makasuhan at mapakulong din si dating pangulong Arroyo kung may ginawa nga siyang kriminal habang siya ay Presidente. Isang malaking hakbang sa Pilipinas ang makapagpakulong ng isang tiwaling Presidente. Pero sa ngayon, puro paratang lang ang nangyayari at kung walang ebidensiya napakadaling i dismiss ng mga Arroyo ang lahat ng paratang na pamumulitika lamang.
2 comments:
This is the Harry Roque syndrome of calling for a press release before actually getting things done.
We can understand why Harry needs to make papogi. (Kita naman natin, karamihan sa kaso ni Hairy Roque, dismissed by technicality dahil mas inuuna pa niya praise conference bago due diligence.)
Leila de Lima holding a press conference even before affidavits were filed ay talaga namang smacks of headline hogging. Sana trinabaho niya muna.
Sana may kahinatnan itong sunod sunod na mga kaso na sinasampa kay GMA.
Post a Comment