...pag ayaw, may dahilan.
Eto yung naisip ko ng mabasa ko itong balita sa Inquirer kung saan sinasabi ni Secretary Sergio Apostol na walang kapangyarihan si Presidente Arroyo na suspindihin ang VAT sa langis. Ang kapangyarihan daw ay nasa Kongreso. Lalabag daw sa Saligang Batas si Presidente Arroyo kung isuspindi niya ang VAT.
Pero sa isyu ng EO 464, sa Calibrated Preemptive Response at sa PP 1017, lahat ay idineklara ng Supreme Court na lumalabag sa Saliganng Batas, hindi nag atubili ang Presidente na ipatupad. Hanggang ngayon nga ay nagtatalo pa rin ang Malakanyang at ang Kongreso sa EO 464.
Mabuti pa sinabi na lang nila na ayaw nilang alisin ang VAT sa langis dahil sa mas makakasama ito sa ekonomiya ng Pilipinas kaysa magdahilan sila.
No comments:
Post a Comment