Balak ko sanang mag komento sa isinulat ni Randy David noong isang araw tungkol sa pagsabog sa Glorietta pero nakita ko na nasagot na ni Micketymoc at ni Dean Jorge Bocobo.
Nagulat ako na gumamit ng post-modernist argument si Randy David. Nalungkot ako na maraming Pilipino ang mas gusto pang paniwalaan ang isang Malaysian expert na nagtrabaho para sa mga Ayala kaysa sa mga Pilipinong pulis.
Ganoon na ba kaliit ang tiwala nating mga Pilipino sa ating mga pulis? Ang masama hindi kabobohan o kakulangan sa modernong kasangkapan ang ugat ng kritisismo. Ang ugat ng kritisismo ay ang pagdududa na , kung hindi man mga pulis ay kilala ng mga pulis kung sino ang nagpasabog sa Glorietta at kanila itong pinagtatakpan. Maski walang katibayan, dumikit na ang pagdududang ito sa maraming Pilipino.
Kaya maski na nagbigay ang pulis ng report, kung saan ang konklusyon na aksidente ang naging pagsabog ay sinusuportahan ng FBI at ng Australian Forensic Police, marami pa rin ang nagdududa.
Nakakalungkot na maski walang katibayan ang eksperto ng mga Ayala, maliban sa nakitang RDX, mas gusto pa ng ilan nating mga kababayan na maniwala sa kanya.
No comments:
Post a Comment