Friday, October 24, 2008

Brotherhood of Thieves

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na ko nakakapag sulat sa blog na ito ay dahilo sa busy ako sa paglalaro ng 9Dragons, isang MMORPG o online game kung saan gagawa ka ng character at mag-aaral ka ng kung-fu. Gustong gusto ko yung mga pelikulang kung-fu ng bata pa ako kaya ako sinubukan at nakawilihan ang larong ito.

Wutang ang una kong character, ngayong medyo mataas na siya gumawa ako ng bagong character at naisipan ko na gawin itong kasapi ng Brotherhood of Thieves. Siyempre ang una kong naisipang ipangalan sa character ko na magnanakaw ay Mando, kaya lang may nauna na sa akin. Sinubukan ko yung Palos, mayroon na ring nakakuha. Yung pangatlo kung naisip na pangalan ay Erap, wala pang kumukuha.

Ngayon tuloy ang pangarap ko ay mag-gawa ng hero band sa 9Dragons na kasapi lang ay Brotherhood of Thieves pero pulos sikat na pangalan ang kasapi, Macoy, Imelda, Gloria :).