Thursday, January 21, 2010

Popularity Contest

Akala ko pa naman mga abogado ang hinihirang sa COMELEC. Pero tingnan niyo ang kanilang hinggil sa pagtakbo ni dating pangulong Estrada sa susunod na eleksyon
"Instead of ruling on the constitutional issue, the Comelec Second Division dismissed the disqualification cases filed by three petitioners saying they would just let the people decide if they want to elect Estrada again."
Kung di ba naman. Anong klaseng ruling ito. Kung ganito lang ng ganito ang kanilang pag-iisip, bakit pa nila ni-disqualify ang Ang Ladlad?Let the people decide. Bakit pa sila nag disqualify ng nuisance candidates, let the people decide. Bakit pa tayo naglagay ng qualification requirements sa mga kandidato, let the people decide.

Bakit pa tayo natuwirang isang lipunan na pinamumunuan ng batas kung ang kagustuhan lang pala ang nakararami ang masusunod, tanggalin na lahat ng batas kung gayon.

Galit sa Babae

Ang Knights of Colombus ng Davao City ay tumawag na mapaalis ang mga konsehal sa Simbahang Katoliko dahil sa bumoto sila na magkaroon ng clinic para sa kababaihan sa Davao.

Hindi mahalaga sa kanila na matutulungan ng mga klinika na ito ang mga sanggol at mga babae, ok lang sa kanila na mamatay o masaktan ang mga babae at mga sanggol.

At pro-life ang tawag nila sa sarili nila.