Monday, October 12, 2009

Pakikiramay

Una sa lahat, nais kong ipabatid ang aking pakikiramay sa pamilya ni Alecks Pabico. Hindi ko siya kakilala pero nung may isinulat ako tungkol kay Dr. Escultura, yung article ni Alecks ang nagbigay ng lakas ng loob sa akin para magpatuloy sa pagsusulat tungkol doon.

Kanina ko lang nalaman na pumanaw na pala si Alecks Pabico, nanlumo ako dahil isa itong malaking kawalan sa Pilipinas. Isang mabuting tao at manunulat ang nawala sa ating bayan.