Minsan gusto mong maiyak sa nangyayari sa ating bayan. Pero sabi nga ng matatanda, kung ayaw mong umiyak tumawa ka na lang.
At nakakatawa nga naman yung mga ginagawa ng ating mga opisyal. Nandiyan si NBI Director Wycoco na pinagbabantann na sampahan ng kasong "inciting to sedition" si dating NBI Deputy Director Samuel Ong dahil sa kanyang pagtawag ka Pangulong Gloria Arroyo na mag resign.
Nandiyan yung National Telecommunications Commission na pinagbantaan ang lahat ng news organization sa pag post ng transcripts at pag air ng taped conversation kahit na wala namang umaamin na sila iyon? Ang masama, lahat ng news organization ay natakot, hindi mo na marinig sa TV yung mga tapes, ewan ko lang sa radyo, di mo rin mabasa sa mga diyaryo at sa internet, maliban na lang sa website ng PCIJ.
Ewan ko, di ko na maintindihan. Basahin niyo na lang muna si Alex Magno para sa kanyang opinyon sa mga isyung ito.
update 6/15/2005:
pagkatapos mabahag ang buntot, nagsisimula na ulit maka-recover ang ating news media, naalala siguro nila na tayo ay nasa loob ng isang demokrasya. puede na ulit i-download yung ni release na "conversations" ni secretary bunye sa inquirer. i hope na sumunod na yung ibang media organizations.
No comments:
Post a Comment