...we need a leader that can provide solutions to the unemployment problem, the clamor of teachers for higher salaries and [I am] a man that could address the issue on hunger and poverty," he told reporters here.una sa lahat, pano niya nasabi na hindi niya inihahambing ang kanyang sarili kay Pangulong Obama ng Amerika? Sinong bobo ba naman ang gusto niyang goyoin? Ang kapal naman ng mukha niya.
Escudero said what the country needs is a leader who has a vision similar to that of the first black American president.
He said he was not comparing himself to Obama but that he believed he could be a good president with the help of the people, especially the youth."
Hindi ko talaga maubos maisip kung bakit naging popular si Sen. Escudero sa mga Pilipino. Oo nga guapo siya, matatas magsalita, matalino. Pero naman, napaka doble kara naman niya.
Noong Pangulo pa si Pangulong Estrada at binabantan siyasa corruption atbp, isa si Sen Escudero sa mga sumuporta kay Pangulong Estrada. Tapos, naging anti-corruption siya nitong si Pangulong Arroyo na ang naka-upo pero nung manalo siyang Senador, nakasama siya sa Mayorya.
Wala pa naman akong masuportahang Presidentiable ngayon, parang wala ng matino na tatakbong Presidente. Bagay, lagi namang talo yung mga matitino (Salonga - 1992, Roco 1998 at 2004). Sino ba naman ang mag aakala ns si Pangulong Ramos ang tatanghalin nating pinakamagaling na Pangulo ng Pilipinas nitong nakaraang 20 taon.
Nakupo naman.
4 comments:
pwedeng pangilinan-padaca?
gusto ko si kiko, at gusto ko rin si gov. grace. hindi ko lang maisip kung pano tatakbo si kiko sa pagka presidente ng hindi mahahati ang liberal.
sabi ko nga dun sa kaibigan ko, kawawa naman yung iboboto kong kandidato. wala pang nanalo sa mga ibinoto ka sa pagka presidente.
shet, i did not mean kiko pangilinan (ew!)...my apologies...
i meant manny v. pangilinan!!
hehe,
Manny Pangilinan. MVP for president? Sasaya puso ng mga Atenista.
Ewan ko pre, tumanda na nga siguro ko, pero sa ngayon, mas naniniwala ako na may skill set na nakukuha ang mga politiko sa kanilang pagsisilbi (hehe) sa bayan.
Mas alam nila kung paano paganahin ang burukrasya at ang Kongreso. Maaari itong matutunan ni MVP kung manalo siya, pero matagal na transition pa ito.
Siguro ibig lang sabihin nito na naniniwala pa rin ako na may matinong pulitiko sa Pilipinas.
Post a Comment