Bishop: God save Pampanga from Arroyo
Hindi ko maubos maisip kung bakit takot na takot yung ibang tao sa pagtakbo ni Presidente Arroyo bilang Congressman. Sa pagbasa ko, ikinakatakot nila na sa pagiging Congressman, maipagpapatuloy ni Pres. Arroyo ang kanyang kapangyarihan. Pero paano? Kung si Teodoro siguro ang mananalo at si Pres. Arroyo ang malaking dahilan ng pagkapanalo niya, bka maging Speaker si Pres. Arroyo sa susunod na Kongreso. Pero maski na maging speaker siya, sa palagay niyo ba ay magpapadikta si Teodoro sa kanya sa buong termino nito? At kung hindi naman si Teodoro manalo, asa pa si Pres. Arroyo na magiging speaker siya. Maski na yung partido niya ang pinakamadami na maipanalo sa Kongreso, magbabalimbingan lang naman yung mga yon. Kung sino pa rin ang gusto ng susunod na Presidente, siya ang magigign Speaker.
Hindi ko rin maubos maisip kung bakit gugustuhin ni Pres. Arroyo na maging Congressman. Sa ngayon, bilang Presidente, lahat ng iutos niya ay kailangan na sundin na lahat na kawani ng Gobyerno, pero pag Congressman siya, kailangan pa niya na makipag negotiate sa kung sino-sinong tao at kung ano anong ahenisya para lang makuha yung kanyang CDF. Kung maging oposisyon pa siya, bka i-freeze pa ng namumunong partido ang CDF niya gaya ng ginagawa ng partido niya ngayon sa oposisyon.
At least kung magretiro na siya, puede siyang umarte na statesman, above the fray of normal politics. Pero habang nasa loob siya ng pulitika, makikita siyang partisano at lalo lang siyang madudungisan. Kung anot-anuman, gusto ka pa rin mapanood kung pano ang magiging pakikitungo sa kanya ng mga nasa Kongreso ngayon pag hindi na niya kontrolado ang CDF nila at parehas na lang sila ng puesto.
Monday, November 30, 2009
Sunday, November 22, 2009
Magpalaganap ng condom
Parang awa niyo na.
HIV infection on the rise among RP youth, says UN agency
HIV infection on the rise among RP youth, says UN agency
Human immunodeficiency virus (HIV) cases among Filipino youth "have been increasing at an unprecedented rate," the United Nations representative’s office in Manila has warned.
"And while the country is still within the target of less than one percent of the population for HIV—the AIDS-causing virus—the rising number of HIV cases has become a cause for alarm," said the UN office in a report.
The report, a copy of which was furnished the Inquirer, said, "HIV cases among the 15-24 age group nearly tripled from 41 in 2007 to 110 in 2008."
Wednesday, November 18, 2009
Takot sa Bading
Hahahahahahahahahahahahahahahaha.
Hindi pinayagan ng COMELEC na ma-accredit ang Ladlad party dahil daw sa imoral ang mga ito.
Hahahahahahahahahahahahahahahahaha.
Wala na kong magawa kundi matawa, kasi kung hindi maiiyak na lang ako. Nabasa niyo yung dahilan nung COMELEC? Imoral daw ang Ladlad dahil sa isinusulong nito ang karapatan ng mga bakla.
Kailang pa naging imoral ang magsulong ng karapatan ng mga tao.
Isa pang nakakatawa, di ko lang alam kung tama yung quote ng Inquirer
Sa ginawang ito ng COMELEC, isa lang ang puedeng dahilan, takot sila sa bakla. Hahahahahahahahaha, kala ko pa naman mga lalaki sila, di pala. Bahag ang buntot nila pag nakakita ng bakla.
galing sa:
Ladlad party appeals to join 2010 polls - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

“If you resort to matters of morality, there is nothing wrong about quoting the Bible or Koran but this does not mean I am not imposing my religion."Nakita niyo? double negative, ibig sabihin positive. maski di sinasadaya sinasabi ng Komisyoner na ito ng COMELEC na ginamit niyang pamantayan ang sinasabi ng kanyang relihiyon sa pagpataw ng desisyon tungkol sa kung dapat nga ba na ma-accredit ang Ladlad bilang party list group.
Sa ginawang ito ng COMELEC, isa lang ang puedeng dahilan, takot sila sa bakla. Hahahahahahahahaha, kala ko pa naman mga lalaki sila, di pala. Bahag ang buntot nila pag nakakita ng bakla.
galing sa:
Ladlad party appeals to join 2010 polls - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos
Subscribe to:
Posts (Atom)