Wednesday, November 18, 2009

Takot sa Bading

Hahahahahahahahahahahahahahahaha.

Hindi pinayagan ng COMELEC na ma-accredit ang Ladlad party dahil daw sa imoral ang mga ito.

Hahahahahahahahahahahahahahahahaha.

Wala na kong magawa kundi matawa, kasi kung hindi maiiyak na lang ako. Nabasa niyo yung dahilan nung COMELEC? Imoral daw ang Ladlad dahil sa isinusulong nito ang karapatan ng mga bakla.

Kailang pa naging imoral ang magsulong ng karapatan ng mga tao.

Isa pang nakakatawa, di ko lang alam kung tama yung quote ng Inquirer
“If you resort to matters of morality, there is nothing wrong about quoting the Bible or Koran but this does not mean I am not imposing my religion."
Nakita niyo? double negative, ibig sabihin positive. maski di sinasadaya sinasabi ng Komisyoner na ito ng COMELEC na ginamit niyang pamantayan ang sinasabi ng kanyang relihiyon sa pagpataw ng desisyon tungkol sa kung dapat nga ba na ma-accredit ang Ladlad bilang party list group.

Sa ginawang ito ng COMELEC, isa lang ang puedeng dahilan, takot sila sa bakla. Hahahahahahahahaha, kala ko pa naman mga lalaki sila, di pala. Bahag ang buntot nila pag nakakita ng bakla.

galing sa:
Ladlad party appeals to join 2010 polls - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

No comments: