Wednesday, February 03, 2010

Maling Example

Ayon sa istorya sa PDI tinanong ni Sen. Villar sa kanyang privilege speech kung
“Ang isang boxer ba ay lalaban kung may desisyon na ang hurado {Will the boxer still fight if the judges already have a decision }?"
Hindi ko alam kung mahilig manood si Senator Villar ng boksing pero ang sagot sa tanong na ito ay isang malakas na oo. Alam naman natin na sa boksing, nangyayari ang hometown decision, kung saan pinapapanalo ng mga hurado ang mga boksingero na kababayan nila. Pero sumusugod pa rin ang mga iba't ibang boksingero sa iba't ibang bansa para lumaban dahil maski na alam nilang matatalo sila kung babagsak sa hurado ang disisyon sa laban, puede pa rin nilang mapatulog ang kalaban at magwagi.

Kung gusto ni Senador Villar na ikumpara ang sarili niya sa mga boksingero, lumalabas na sinukat siya at natagpuang kulang.

p.s.

siguro kailangan ng patalsikin ni Senador Villar ang speech writer niya.

No comments: