Friday, April 30, 2010

Kulelat galit sa Surveys

Alam ko na kulelat si Secretary Teodoro sa mga surveys, pero kailangan ba niyang sabihin na
"...They say, let's not vote for Gibo because it's just a waste of votes, because they asked 2,000 people in the country but they failed to ask 90 million others,"
Nag aral siya sa Xavier, La Salle, UP at Harvard, siguro naman isa sa mga eskwelahang pinasukan niya ay tinuruan siya ng statistics. Galing at Talino ang slogan ng kampanya niya, gamitin naman niya ang sinasabi niyang talino.

Alam ko na alam niya na hindi kagaguhan ang survey at ang pag alipusta niyadito ay gawa lamang ng kagustuhan niya na huwag lumipat sa ibang mas nangungunang kandidato ang kanyang mga taga suporta. Pero kagaguhan pa rin ito, minsan kailangan kang maging statesman at hindi pulitiko, alam niyang wala na siyang pag-asang manalo, panahon na para maging statesman siya, isipin niya ang makakabuti sa bayan at hindi sa kampanya niya.

No comments: