Wednesday, February 16, 2011

Website para sa Truth-Tellers

May bagong website para sa mga truth-tellers, ang ihearttruthtellers.org, isang website na binuo para suportahan ang mga matapang at makabayang Pilipino na nagbibigay liwanag sa mga katiwaliang nagaganap sa ating gobyerno.

Sinimulan ang website na ito ng mga kaibigan at mga taga suporta ni Ms. Heidi Mendoza at sa simula malaking bahagi ng suporta ay matututok sa kanya, subalit habang dumarami ang mga tagapagsalita ng katotohanan, mabubuhos sa mga ito ang suporta.

Isa sa mga makikita sa site na ito ay ang timeline ng kasi kina General Garcia, December 2003 pa ng mahuli ang anak ni General Garcia na dala dalang 100,000 dollars, 2004 pa nagsimula ang imbestigasyon, 2011 na wala pang resolusyon at muntik pang siyang makahulagpos sa hustisya ng bayan.

No comments: