Tuesday, September 06, 2011

Foreign Intervention

Nung debate sa RH bill galit na galit si Sen. Sotto dahil ang gumawa daw ng survey sa maternal mortality ay USAID at World Health Organization.  Madami rin ang nagsasabi na ang ideya sa RH bill ay galing sa mga amerikano.  Isa sa kanilang dahilan kung bakit di dapat ipasa ang RH bill ay dahil dito sa pakikialam na ito ng mga hindi Pilipino.

Ang di ko maintindihan bakit pag ibang hindi Pilipino ang nakikialam, tikom ang kanilang bibig?  Ayon sa Inquirer, mariing iginiit ng Vatican na maging neutral ang simbahan katoliko tungkol kay dating Presidente Arroyo.  Alam naman natin ngayon na ang posisyon ng Vatican ay parehas ng posisyon ng CBCP,  masasabi ba ng CBCP na ang kanilang posisiyon ay hindi galing sa mga hindi Pilipino?

Ipokrito talaga sila.

No comments: