Meron na naman pala panukala na ipagbawal ang pagsingil ng parking fee sa mall. Siyempre madaming pabor na Congressmen kasi nadarama nila ang problema na ito dahil sa karamihan sa kanila ay may kotse at kailangan magbayad ng parking. Pero kung titingnan mo, ang talagang tatamaan nitong panukala kung maisabatas ito ay ang mga tao na walang kotse. Kung aalisin ang bayad sa parking, at kakailanganin ng mall na i-maintain ang kanilang parking area, tataasan nila ang singil ng renta sa kanilang shops sa loob ng mall na magtataas ng singil sa kanilang mga itinitinda. So sa halip na yung mga may kotse na gumagamit ng parking ang nagbabayad para ma maintain ang parking areas ng mall, lahat ng tao na namimili sa mall ang magbbayad dito. I subisdize ng mga walang kotse ang mga may kotse.
Kagaya ito ng mga panukalang i subsideize ng gobyerrno ang presyo ng langis. Pag ni subsidize ng gobyerno ang presyo ng langis, ang mas makikinabang ay ang mga may kotse. I subsidize ng mga walang kotse ang langis na ginagamit ng mga may kotse. Gaya rin ito ng pag subsidize sa bayad sa MRT, yung mga hindi sumasakay sa MRT ay siyang nagbabayad sa kakulangang bayad ng mga sumasakay sa MRT.
Hindi naman lahat ng subsidy ay masama, itong column ni Atty. Pangalangan ay sinuri ang mga dahilan sa pag subsidize sa MRT, kailangan lang natin pag-isipan kung makakbuti nga ba ito sa karamihan.
No comments:
Post a Comment