Showing posts with label Noynoy Aquino. Show all posts
Showing posts with label Noynoy Aquino. Show all posts

Monday, December 12, 2011

On the Supreme Court

Mas gusto ko nga na harapan ang pagtuligsa ni Pangulong Noynoy sa supreme court kesa yung mga patagong pag-impluwensiya na hindi natin nalalaman kung ano ang kapalit.

Wednesday, November 23, 2011

Conspiracy theory in the Philippines

Napanood ko yung youtube video na "AQUINO COJUANGCO : FACTS THEY DONT WANT YOU TO KNOW HD*".  May nag post ng link sa isang group na kasali ako at nahiya naman ako mag comment ng hindi ko napapanood.  Impression ko ay walang kuwnta yung video, para siyang gish gallop, isang paraan ng sunod-sunod na pagbigay ng akusasyon na kung susubukan mo sasagutin lahat buong araw ang masasayang sa iyo.  Parang hinanap ng video na ito lahat ng akusasyon na puedeng makita sa pamilyang Aquino at Cojuangco at pinagsama sama sa isang video ng hindi man lang siniyasat kung totoo nga ito o hindi.

Kaya wala akong balak isa-isahin ang mga akusasyon sa video na ito, sabi nga ni Christopher Hitchens "That which can be asserted without evidence can be dismissed without evidence"  At walang binaggit na supporting documents o kung saan man lang puedeng makita yung mga supporting documents ang video na ito.  Pero magbigay ako ng example kung bakit ko nasabi na walang kuwenta ang video na ito.

Isa sa mga akusasyon sa video na ito ay opverpriced daw ang SCTEX,  ang isyu na ito ay matagal ng ibinabato kay Presidente Aquino kaya natalakay ito ni Prof. Solita Monsod nung panahon ng elesyon.



Ang konklusyon niya ay walang overpricing na naganap.  Kung mali ang video na ito sa isang usapin na nasa public record, pano nati ikto paniniwalaan sa iba pa nitong mga akusasyon?

Iba pang obserbasyon. 

Napansin ko lang yung titulo ng videon, fact they don't want you to know,  napaka conspiracy theorists.  Diba?  Kung ito ay mga fact na ayaw nilang malaman natin?  Pano niya nalaman?  Parang gusto ipahiwatig nung gumawa ng video na nanganib at nanganganib ang kanyang buhay sa ginawa niya.

Isang nakakatawa dun sa video ay ang pagkuwento nila kung paano daw yumaman ang mga Cjuangco.  May pinatago daw si Gen. Luna na pera sa syota niya na Cojuangco, nung mapatay siya ng mga tao ni Aguinaldo, hindi na daw sinoli nung syota yung pera.  Maisisi mo ba yung tao kung di niya sinoli yung pera?  Kung pinatay din ang syota ko at may pinaiwang pera sa akin bakit ko naman ibibgay sa pumatay?  Bobo ba ko?

Isang kritisismo kay Ninoy Aquino nung video ay bumalik lang daw siya sa Pilipinas dahil gusto niyang maging Presidente, hindi daw tunay na kabayanihan iyon, at nikumpara nila kay Rizal na walang ambisyon ang pagiging bayani.  Una, maski na gusto niyang maging Presidente, walang kasiguruhan na iyon nga ang mangyayari kung babalik siya sa Pilipinas,  mas malamang pa nga na makulong siya gaya ng ginawa sa kanya ni Marcos bago siya na exile.  At kung papanoorin natin ang video nung huling mga oras ni Ninoy,



alam din niya na puede siyang mapatay.  Si Marcos, nagsinungaling at pumatay ng tao, nag deklara ng Martial law para lang manatili siyang Presiente, tapos si Ninoy yung ambisyoso?
 
Huli na, kung napaka makapangyarihan ng mga Cojuangco, bakit natatalo sila sa Supreme court na gusto ipamahagi nila ang hacienda Luisita sa mga magsasaka nito?

Monday, July 25, 2011

Walang Nagbago

Sa SONA ni Presidente Aquino ngayong araw,  marami ang nagmartsa na nagsasabing walang nagbago sa Pilipinas,  walang nagawa ang gobyerno ni Presidente Aquino.

Kung kakausapin siguro natin ang maraming Pilipino,  madami ang sasang-ayon sa ganitong saloobin.  Kung buhay at buhay lang ang pag-uusapan, wala talagang masyado nabago sa pamumuhay nating Pilipino.  Kayod pa rin ng kayod, taas pa rin ng taas ang presyo ng mga bilihin.

Ngunit, datapwat, subalit,  Kung titingnan mo kung may nabago sa gobyerno,  madami kang makikita.  Dati, corrupt ang presidente mo, ngayon hindi na.  Dati, pinagtatakpan ng ombudsman ang katiwalian ng mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na.  Dati,  pera ng PCSO, pinamimigay lamang sa mga kakampi ng presidente, ngayon hindi na, etc, etc.  Hindi man natin nararamdaman na gumaganda ang buhay natin,  minsan nga, sumasahol pa,  kailangan pa rin natin intindihan na maliban na lamang kung tumama tayo sa sweepstakes, mahirap maramdaman ang biglang pagbabago sa ating buhay.

Ang kinakatakot ko ay maging truism, o katotohanan sa tao ang kasabihan na wala namang pinagkaiba ang gobyerno ni Aquino at gobyerno ni Arroyo, na sa susunod na mga eleksyo, iisipin na lang nila na bumoto sa corrupt na kandidato, at least duon may mahihita sila, sa hindi corrupt wala.


Photo courtesy of Mr. John Paraiso

Sunday, December 12, 2010

Realpolitik 2

President Aquino today said that the Philippines did not attend the Nobel Peace Prize awarding ceremony because it was better for the national interest to go along with China.
"President Benigno “Noynoy” Aquino III admitted the country did not send a delegate to the Nobel Peace Prize ceremony honoring a Chinese democracy activist for the sake of 5 Filipinos on China’s death row.

In an interview with the Philippine Daily Inquirer, Aquino said “our interest [is] to advance our citizens’ needs first.”"

also

"Aquino also said the country is aiming for a “closure” with China over the August 23 hostage incident, where 8 Hong Kong residents died.

The hostage crisis has caused diplomatic strains between the 2 nations. The Hong Kong government has voiced out its dismay over the “watered down” penalties that those involved have received.

He also said he was concerned for the safety of the Filipinos who may be caught in the tension between North and South Korea.

China earlier offered to mediate between the 2 Korean peninsulas. China is an ally of North Korea."

At least it's not that bullshit about the ambassador not having the time to attend. Personally, I think it was the right decision, it was a shitty decision, but it was the right one when we look at it from the perspective of the Philippine's national interest.