Showing posts with label Oil Prices. Show all posts
Showing posts with label Oil Prices. Show all posts

Tuesday, July 15, 2008

Cracked Me Up

Si Mike Defensor nasa Cracked.
















Ang problema, nasa isa siyang article na ang title ay "6 Retarded Gas Saving Schemes (People Are Actually Trying)." At ang sabi nung artikulo tungkol sa hawak niyang bagay ay
"What is it?

This is a device developed back in the 1970s by some dude in the Philippines who felt that America shouldn't have the market cornered on scamming people. Basically, it's a metal valve, with the very impressive words "Super Turbo Charger" nicely engraved on it. As you can see by the picture, unlike some of the products out there, this thing actually looks like it could do something, in the way that most hookers look like they don't have an STD.

What's it supposed to do?

Basically this thing is supposed to put your car on a gasoline diet. Apparently all cars are using way too much gas. The Khaos supposedly changes the mixture of the gas and air so that the car will burn more air and less gas. Up to half as much according to them.

Inside the metal tube is a spring which is supposed to regulate the air/gas mixture, turning your bloated car from a donut-munching couch potato into a lean fuel-efficient triathlete, minus the ridiculous spandex.

Even more amazing though is that the maker claims it will reduce pollution from your car by 100 percent. The inventor also says he has turned down millions of dollars from Western companies for the patent because then Filipinos would not be able to afford it. Oh, and also it doesn't work at all.

What will it really do?

This device will do exactly what it says it will do. It will actually change the fuel/air mixture in your car. Awesome! You know what else can change the fuel/air mixture in your car? Something we like to call, the engine.

In modern cars, the car's computers and sensors will take care of all that for you. Not surprisingly, they will do a much better job of it than this thing. What this actually does is choke off gas from entering the engine, making it knock and ping and generally run like shit.

As for the claim that it reduces pollution? When installed the device actually creates about three times the pollution that a car without the device produces (that's what happens when you fuck up the way the engine was designed to run). We think this means that it doesn't work.

So why do people buy this thing and swear by it? One reason may be that the makers tell you that you need to give your car a tune up before installing the device. So it's like a diet pill where the directions say you should take it with a glass of water and then run five miles. You'll get results, but probably could have skipped the pills. "
Siguro nuong Secretary siya ng DENR itong picture na. Pero maski na, di ba niya naisip na kung talagang may nagagawa ang Super Turbo Charger na ito, matagal ng ginaya ng mga gumagawa ng kotse ito? Minsan yung kagustuhan nating maging bilib sa pinoy ay bumubulag sa atin sa kagaguhan ng ginagawa ng pinoy na iyon.

Thursday, January 10, 2008

Presyo ng Langis

Nitong mga nakaraang araw ng umabot ng 100 dolyar kada bariles ang presyo ng langis, pumotok nanaman ang panawagan na tanggalin ang VAT sa langis o kaya naman ay i-subsidize ng gobyerno at i-nationalize ang industriya ng langis dito sa Pilipinas.

Sa unang tingin, kaaya-aya ang mga mungkahi na ito, bababa o kung hindi man ay hindi gaanong tataas ang presyo ng langis, kaya huhupa rin ang pagtaas ng presyo ng mga pamasahe at iba pang bilihin.

Subalit kung iyong susuriin, mas makakasama sa Pilipinas at sa mga Pilipino ang panukalang ito. Bakit ika mo?

Kasi sa pag subsidize sa presyo ng langis, mas makikinabang ang mga mayayaman na may kotse kaysa sa ating mga namamasahe lamang. Halimbawa, para madaling sumahin, tumaas ang presyo ng langis ng 10 piso kada litro. Sa Jeep, kung sampuan ito, kailangang magdagdag ng 50 sentimos kada pasahero para mapunan ang itinaas na presyo ng langis samantalang 10 piso ang kailangang idagdag ng isang may kotse.

Kung i-subsidize ng gobyerno ang presyo ng langis para hindi ito tumaas, ibig sabihin, ang pasahero ng jeep ay nakatipid ng 50 sentimos samantalang bawat may ari ng kotse ay nakatipid ng 10 piso. Hindi pa natin binibilang dito mga nakasakay sa bus na mas tipid dahil sa mas madami silang magpaparte sa itinaas ng langis o ang dami ng kotse sa lansangan ng Pinas kumpara sa dami ng bus at jeep at makikita natin na mas makikinabang ang mayayaman kaysa mahihirap kung i-subsidize ng gobyerno ang presyo ng langis.

Kung i-subsidize din ng gobyerno ang presyo ng langis, saan mangagaling ang pera? Sa buwis din na ibinabayad natin? At lagi ng sinasabi na ang buwis na nakokolekta ng gobyerno, karamihan ay galing sa sales taxes at sa income taxes ng middle classes, bakit naman kailangang ibalik pa natin sa mayayaman yung kakarampot na buwis na ibinabayad nila? Kulang na nga yung serbisyong nakukuha natin sa gobyerno babawasan pa natin para lang makatipid sa gasolina yung mga may kotse? Kung kaya nilang bumili ng kotse, kayanin nilang bumili ng langis.

Tingnan natin kung ano ang nangyayari sa mga bansang nag-subsidize ng presyo ng kanilang langis.
  1. Burma - Ang Burma, kagaya ng Pilipinas ay isang mahirap na bansa, kaya pinili ng gobyerno nila na i-subsidize ang presyo ng kanilang langis para makatulong sa kanilang mamamayan. At para na rin hindi mag-protesta ang mga ito. Ang problema, sa bilis ng pagtaas ng presyo ng langis naubos ang kanilang pera kaya napilitan din silang magtaas ng presyo, dinoble po nila ang presyo ng kanilang langis. Dahil dito, nagkaroon ng malawakang protesta at nagkaroon ng malawakang pagkitil ng buhay at karapatan ng mga Burmese

  2. Iran - Ang Iran ay isa sa pinakamalaking exporter ng langis sa buong mundo, siguro naman kaya nilang i-subsidize ang presyo ng kanilang langis. Pero maski Iran ay kinukulangan ng pera sa pag-subsidize ng langis nila kaya inisip nilang mag-rasyon na lamang ng langis.
Kung ang Iran ay nau-ubusan ng pera, isipin niyo na lang kung anong mangyayari sa Pinas. At kung i-subsidize natin ang presyo ng langis, kailangan nating bawasan ang iba pang pinopondohan ng gobyerno. Madaling sabihin na bawasan natin ang ginagastos ng mga Kongresman at Senador sa kanilang pork barrel, o alisin ang korupsyon sa gobyerno. Pero realistikong pagtingin ba iyan? Sa palagay niyo papayag ang mga politikong bawasan ang kanilang pork barrel o ma alis natin ang korupsyon sa gobyerno? Malamang serbisyo sa mga ordinaryong mamamayan ang mawawalan ng pondo sa pag-subsidize ng presyo ng langis.

Isa pa sa mga naging problema ng Iran kung bakit sila naubusan ng pera ay ang smuggling ng gasolina. Hindi katulad ng smuggling dito sa atin kung saan nag-smuggle ng gasolina papasok para hindi magbayad ng buwis. Ang smuggling sa Iran ay palabas, dahil sa mura ang presyo ng langis sa kanila, yung mga tao sa kalapit nilang mga bansa ay bumibili ng langis sa loob ng Iran at ibinebenta sa kanilang mga bansa para kumita. Kaya rin lalong lumalaki ang gastos ng gobyeno ng Iran sa pag subsidize ng presyo ng langis.

Sigro maski na mura ang langis sa Pinas, walang magtangkang mag export ng subsidized na langis dahil sa isla tayo at mas mahal mag transport sa dagat. Tapos ang mga karatig bansa natin, Malaysia, Brunei at Indonesia ay mga exporters ng langis, pero kung sobrang laki ang diprensiya, malay mo rin, malapit lang naman ang Taiwan at Vietnam sa atin.

Ang isa pang naging problema ng Iran at puedeng maging problema sa atin ay dahil sa baba ng presyo ng langis sa kanila, hindi natutuong magtipid ang mga Iranian. Parang hindi sila maubusan ng langis. Ang isa sa epekto ng mataas na presyo ay napipilitan ang mga gumagamit nito na magtipid o kaya naman ay maghanap ng alternatibo. Alam naman natin lahat na walang langi dito sa Pilipinas. Makakatulong sa atin kung mas kokonti ang konsumo natin ng langis at kung makakahanap tayo ng pamalit sa langis. Mas hihirap ang paghahanap ng kapalit ng langis kung i-subsidize ng gobyerno ang presyo nito.

Sa pagtatapos, ang pag-subsidize sa presyo ng langis ay maganda lamang sa malayong pagtingin, layogenic ika nga, pero pag sinuri mo na ng malapitan, suwangit itong panukalang ito para sa Pilipinas at sa maralitang Pilipino.