Showing posts with label death penalty. Show all posts
Showing posts with label death penalty. Show all posts

Wednesday, August 24, 2011

Tito Sotto is a twit 2

May binabasa ako kanina tungkol sa mga kano na pro-life pero pabor sa death penalty, hindi nila nakikita yung contradiction sa pagtawag nila sa sarili nilang pro-life pero sa pagsuporta nila sa pagpatay sa tao. Naisip ko tuloy kung merong mga ganitong tao sa Pilipinas, at ang una ko na naisip ay si Senador Sotto. At ng i-google ko, makikita na pabor si Sen. Sotto sa bitay.
Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III is contemplating of filing a bill seeking the re-imposition of the death penalty for drug trafficking alone.

”In the absence of death penalty, the drug traffickers seem getting their way with their illegal activities. I’m contemplating it (file bill for re-imposition of death penalty) right now,” Sotto said during the weekly Kapihan sa Senado media forum on Thursday.
Kahapon, dun sa interpellation niya kay Sen. Santiago, ipinipilit niya na amg buhay ay simula sa fertilization, at pag na fertilize na hindi na puede patayin.  Para kay Sen. Sotto, kapag di ka pa buhay, di puede pigilin ang pagiging tao mo, pag tao ka na at ayaw niya sa yo, ok lang na patayin ka.

Bonus: 
Sotto clarified that he had not made a definite stand on the reimposition of death penalty, but admitted that if there would be a debate on this, he would agree to reimpose it on drug traffickers.
Di ba?  Hindi pa daw siya nakapagdesisyon kung para siya sa death penalty o hindi, pero pag nagkaroon ng botohan sa senado, papayag daw siya na ibalik ito.  Iniisip ba niya yung mga sinasabi niya?

Sunday, February 06, 2011

Death Penalty 2

Isa sa mga sinasabing kagandahan ng death penalty ay ito daw isang deterrent sa mga gumagawa ng krimen.  Natatakot daw kasi sa death penalty ang mga tao kaya hindi sila gagawa ng krimen.  Kung iisipin natin,  isang paraan lang nakakabawas ng krimen ang death penalty,  ito ay sa paraan na yung gumagawa ng krimen ay nawalan na ng pagkakataon na gumawa ng krimen, patay na kasi.  Pero siyempre, kung kinulong mo naman siya, hindi na rin siya makagawa ng krimen, maliban na lang pagkalaya niya. 

Pero sa mga gagawa ng krimen, deterrent ba ang death penalty?  Hindi.  Bakit,  una may mga kriminal, hindi naman nila iniisip na mahuhuli sila, bakit ka matatakot sa kaparusahan kung sa palagay mo hindi ka naman mahuhuli.  Pangalawa, desperado na sila,  maski natatakot sila sa death penalty, kung wala na silang makitang paraan pa kundi ang gawin yung krimen para matugunan ang problema nila, gagawin pa rin nila yung krimen,  bahala na.  At pangatlo, wala silang pakialam,  sa palagay niyo ba yung mga terorista ay natatakot sa death penalty?  Hindi, kasi sa kanilang pananaw, mas mahalaga pa sa buhay nila ang kanilang ipinaglalaban,  papatay at magpapakamatay sila para sa ipinaglalaban nila.

Ngayon sa deterrence, may balita sa Inquirer na bumaba ng 30 percent ang krimen sa Metro Manila,  isang statistic na nagpapawalang bisa sa mga sinasabi ng mga sumuspota sa pagbalik ng death penalty.

Wednesday, January 26, 2011

Death Penalty

Gusto na namang patayin ni Senador Zubiri ang mga sa tingin niya ay karumal dumal na kriminal. Pero sa isang banda, sinasabi ni Senador Enrile na ang mga pulis natin ay madalas mag-tanim ng ebidensiya.

Kailangan muna siguraduhin ni Senador Zubiri na walang corrupt na pulis na magtatanim ng ebidensiya o lahat ng pulis sa Pilipinas ay perpekto at hindi nagkakamali para sigurado tayo na walang inosenteng tao ang mabibitay bago niya buksan ang diskurso sa death penalty.