Ayon sa Manila Times, ang mga korte sa siyudad ng Malolos, Bulacan ay nagsimula ng gumamit ng Filipino bilang wika sa paglilitis. Ang pag-gamit daw ng Filipino ay nagustuhan ng mga nililitis sa kadahilanang mas naiintindihan nila ang nangyayari sa korte at sa kanilang kaso.
Ang pag-gamit ng Filipino sa mga korte sa Pilipinas ay sinusuportahan ng National Directorate ng Integrated Bar of the Philippines at mga abogado ng Bulacan.
Gusto ko lang bigyang diin ang obserbasyon ng mga nililitis na gusto nila ang pag-gamit ng Filipino dahil sa mas naiintindihan nila ang nangyayari sa korte. Ito sa palagay ko ang pinaka-mabigat na rason kung bakit kailangang gamitin ng gobyerno ng Pilipinas ang Filipino sa kanyang mga transaksiyon. Dahil sa Filipino ang ginagamit ng tao, mas maiintindihan ng mga tao ang ginagawa ng gobyerno kung Filipino ang ginagamit nila.
At dahil sa mas mai-intindihan ng mga tao ang mga ginagawa ng gobyerno, baka tumaas ang tiwala ng mga tao sa gobyerno.
No comments:
Post a Comment