Thursday, July 19, 2007

Ang Pinaka

ANG PINAKA: MAINIT NA PINOY BOLD MOVIES
AIRING DATE: 22 JULY 2007

Ngayong Linggo, tiyak na maglalagablab ang inyong TV screen at mag-aapoy ang inyong mga damdamin dahil buong kapangahasang ililista ng natatanging listahan ng bayan ang "Sampung Pinaka-Mainit na Pinoy Bold Movies of All Time"!

Ang mga pelikulang mapapasama sa listahan ay pinag-usapan hindi lang dahil sa kanilang maiinit na eksena kundi pinuri rin ng mga kritiko at kinilala rin sa kanilang makabuluhang pagtalakay sa tema ng seks at pakikipagrelasyon.

Masasabing ito rin ang mga pelikulang nagpasakit sa ulo ng censors at nagpataas sa blood pressure ng mga moralista. Tinawid ng mga pelikulang ito ang manipis na linya na naghahati sa sining at pornograpiya.

Bold movies that pushed the envelope! Ito ang ililista ni Pia Guanio kasama ang mga panelistang sina: independent filmmakers Ato Bautista, Aloy Adlawan, at Sigfreid Barros-Sanchez, film & TV scriptwriter Shugo Praico, men’s magazine editor Eric Ramos, at Inquirer Libre editor Romel Lalata.

Abangan ang kapana-panabik na paglilistang ito ngayong Linggo, July 22, sa "Ang Pinaka", 6 p.m., sa QTV Channel 11 (Channel 24 sa Sky and Home Cable
, Channel 15 sa Destiny Cable, at Channel 19 sa Sun Cable)
Galing po sa kaibigan ko na kapuso ng GMA

No comments: