Monday, August 04, 2008

Sobra naman yan

May ginagawang publicity gimik ang Inquirer na tinatawag nilang Rush Hour Commute kung saan mayroon silang 4 na teams na mag uunahang makarating sa isang lugar nag ang sinasakyan ay ang MRT, kotse, bus at taxi. Tapos titingnan nila kung sino ang unang makakarating sa lugar at kung magkano ang nagastos nito.

Maganda sana ang hangarin ng gimik na ito kaya lang masyado namang pabor sa MRT. Tingnan niyo na lang ang unang araw ng karera ang mga teams ay nanggaling Trinoma station tapos pupuntahan ay Taft Avenue sa Pasay, di ba naman, dulot-dulo lang ng MRT iyon. Pag nakasakay ka na sa MRT, dire-diretso ka na, walang traffic, problema mo na lang kung masisiraan yung MRT ng araw na iyon.

At ganito din ang mangyayari sa pangalawa at pangatlong araw. Santolan hanggang Recto ang pupuntahan sa pangalawang araw at Baclaran hanggang Monumento sa ikatlong araw. Santolan in Pasig to C.M. Recto in Manila sobra-sobrang partida naman yan.

Naniniwala ako na pinakamabilis at pinakamurang sasakyan ngayon at gusto ko na gumawa pa ng mas maraming MRT para na rin makatulong sa pagbaba ng konsumo natin sa gasolina, pero wag namang ganito, kadayaan na ang karerang ito.

Kung gusto nila ng parehas na laban, dapat hindi sila sa istasyon ng MRT magsimula, kung ang gagamitin ay ang MRT sa North Edsa at papuntang katimugang Metro Manila sa Fairview siguro sila dapat nagsimula tapos sa Sucat o Bicutan ang destinasyon. Tapos hindi dapat alas otso ang simula ng karera. Alas otso ang simula ng trabaho kaya ang rush hour ay yung mga oras bago mag alas otso, siguro mga alas siyete o alas sais ang simula ng karera para totoong Rush hour.

p.s.

Nakalimutan ko palang ilagay, nandaya pa yung team na sumakay sa MRT
"Team MRT suffered delays due to the large volume of people queuing at the North Avenue Station during Monday morning traffic. People swelled at the MRT ticket booths as passengers started trickling in. The team even had to leave a teammate behind since she did not make it to the starting line in time for the race. In the end, Team MRT still managed to finish first. Each team member spent P15 for the trip."
Hindi ba dapat hinintay muna nila yung team member bago sila nagsimula? Ganun na lang ba yang karera na iyan, puede kang mang-wan? Bakit pa tinawag na team?

No comments: