Kanina, ibinalita ng ABS-CBN na humingi na paumanhin si dating Pangulong Cory Aquino kay dating Pangulong Erap Estrada dahil sumama si Pangulong Aquino sa pagpapatalsik kay Pangulong Estrada.
Kay daling makalimot ni Pangulong Aquino, parang nakalimutan na niya yung mga kabaluktutang nangyari nuong kapanahunan ni Pangulong Estrada. Hindi naman nag-alsa ang mga Pilipino laban kay Pangulong Estrada dahil sa trip lamang nila. May mga dahilan, at malaki ang katunayan na mangurakot nga si Pangulong Estrada, mayroon tayong mga bank account, at meron tayong witness na si pangulopng Estrada ang pumipiram sa bank account na ito.
Mas malaki pa nga ang katibayan sa kabaluktutan ni Pangulong Estrada kaysa sa kabaluktutan ni pangulong Arroyo. Puedeng dahil sa mas matalino at mas pinong mangurako si Pangulong Arroyo, pero huwag naman natin kalimutan na porket kasama ngayon ang mga taga suporta ni Pangulong Estrada sa mga gustong magpatalsik kay Pangulong Arroyo, ibig sabihin wala ng sala si Pangulong Estrada.
Never Again, yan ang naging motto ng mga oposisyon nung panahon ni Pangulong Marcos. Sana maalala ni Pangulong Aquino ito.
Update: Dec 23, 2008
Mukhang di lang ako ang nagulat sa paghingi ng paumanhin ni Pangulong Aquino, merong istorya ang PDI at reaksyon ng ibang tao dito.
No comments:
Post a Comment