Monday, June 13, 2011

Nabaligtad na Mundo

Isipin niyo na lang kung ang Amerika ay nagpapadala ng mga pangmilitar na sasakyan sa ating teritoryo ng walang pahintulot sa ating gobyerno. Kung pinagbantaan tayo ng Amerika na di tayo puede pumunta sa isa sa ating teritoryo ng wala nilang pahintulot. Unang una na siguro ang League of Filipino Students (LFS) sa mga namumuno sa pag rally at pagkondena sa aksyong ito ng Amerika.

Pero nitong ginawa ito ng China, kimi na kimi sila para bagang takot na takot sila sa China, di bale ng yurakan ng China ang dignidad ng Pilipinas, hindi daw kasi natin kaya labanan ang China.

Pero ganito rin naman ang sitwasyon sa Amerika, di rin tayo mananalo sa Amerika kung lalabanan natin ito, pero pagdating sa Amerika, gigil na gigil sila.

Ang pagtanggol sa dangal at teritoryo ng Pilipinas ay dapat walang pinipiling bayan, ka ipokrituhan lang iba ang posisyon mo dahil ibang bansa ang gumagawa nito.

No comments: