Friday, May 11, 2012

Kawawang Isko

Sumali si Isko Moreno sa partido ni Erap sa pag-aakala na siya ang susuportahan ni Erap sa pagka Mayor ng Manila tapos biglang tatakbo pala si Erap bilang Mayor.  Bagay, baka mas mabuti naman ito para sa kanya, mag Herbert Bautista siya, hintayin niyang mag 3 terms si Lim saka siya tumakbong Mayor, mas malaki chance niya na manalo.

Perro malaking sugal para kay Erap ang pagtakbong Mayor ng Maynila,  kung hindi siya mananalo, mawawala ang aura niya na paborito ng masa.  Natapos ang electoral career ni Ernesto Maceda ng talunin siya ni Lim sa pagka Mayor ng Maynila,  pagkatapos non, wala ng gusto kumuha sa kanya bilang kandidato.

Baka mas makakabuti pa kung takutin lang ni Erap si Lim na tatakbo siya pero sa huli si Isko na lang din ang suportahan niya.

1 comment:

The Nashman said...

the only thing going for Erap is medyo maganda ang track record niya bilang mayor ng san juan... sayang naman ang two week seminar ni isko sa jfk school of government...