Tuesday, April 08, 2008

Playboy at Feminismo

Hindi lang pala mga konserbatibo ang umaayaw sa playboy philippines, pati ang Gabriela, isang organisasyon ng mga babae na nagsusulong sa karapatan ng mga kababaihan, ay ayaw dito.

At ang dahilan nila ay isa sa pinakamatandang dahilan sa kasaysayan ng Feminismo,
"Gabriela said the magazine encourages the perception of women as commodities and perpetuates “machismo” views."
Kung ang katwiran ng Gabriela ay itong ni quote sa kanila ng Inquirer, ang masasabi ko lang ay humihina na ang pag-iisip ng mga tao sa Gabriela. Kasi, kung susuriin mo, hindi magandang katwiran ng ginagawang commodity ang mga babae sa playboy, hindi mo naman binibili ang babae, yung mgagazine ang binibili mo.

Ang tamang dahilan, kung teorya ng Feminismo ang pagbabasehan ay nia-objectify playboy ang kababaihan. Ibig sabihin, ang nagiging pagkilala ng mga lalaki sa babae ay bilang isang bagay lamang, at bagay na pang sex. Yung commodification ng babae, ay katwiran para sa prostitusyon. Hindi ko alam kung bakit nalito yung Secretary General ng Gabriela, siguro kailangan lang niyang magbasa ulit.

Eniwi, may punto ang mga Feminista dito, totoo naman na ina-objectify ng playboy, atbp na magazine ang mga babae. Totoo na maraming lalaki ang tumitingin sa mga magazin na ito at nakikita lamang ang mga babaeng naka litrato dito bilang mga sex objects. Pero hindi siya sapat na dahilan para hindi ipalabas ang mga magazine na ito.

Una, nandiyan ang Freedom of Expression, kung hindi naman ilegal ang nasa loob ng magazine, hayaan mo siya. Pangalawa, batay na rin sa prinsipyo ng Feminismo na dapat, kung sino ang may katawan siya ang may kontrol sa kanyang katawan. Ang mga babaeng lumalabas sa mga magazine na ito ay nasa legal na edad at may mga kontrata, buo ang isip nila ng pumayag sila na lumabas sa magazine na ito, at bilang Feminista, kailangan nating suportahan ang desisyon nila, katawan nila iyan, karapatan nilang gamitin kung paano nila gustong gamitin ang katawan nila.

May mga lehitimong katwiran din laban sa pangalawang dahilan sa taas, nandiyan yung, wala naman talagang "choice" ang mga babae sa kanilang ginagawa, sa prostitusyon, kahirapan ang nagtutulak sa mga kababaihan dito, ganito rin sa magazine, gusto ng mga babaing lumalabas dito na mas makilala at ng lumaki ang kanilang mga talent fee.

May simpatiya ako sa katwiran na dahil sa kahirapan ay kapit sa patalim tuloy ang ilang mga babae sa mga trabaho na hindi naman nila gusto. Pero paano naman yung mga nag puta na hindi naman kailangan ang pera? Panano din yung mga lumalabas sa magazine dahil sa gusto nila at hindi dahil sa kailangan ng pera?

Totoo na naaapi pa ang kababaihan sa ating bayan, pero marami ng pagbabago, kumpara sa mga taga Saudi, hamak na mas pantay ang trato ng ating bayan sa lahat ng Pilipino. Totoo na may mga pinoy pa rin na ang tingin sa mga babae sa sex objects, pero marami ng mga babae ang ginigising sila sa kanilang kamalian.

At sana ang playboy sa Pilipinas, gaya ng Playboy sa Amerika. Ito sana ay mag udyok sa isa pang uri ng pag kakapantay-pantay. Na ang babae ay hindi lamang sexual object, kundi sexual subject din. Hindi lamang sila passive na bagay na sinusuyo ng mga lalaki kundi buhay na tao na maari ring manuyo ng lalaki.

2 comments:

The Nashman said...

magaganda ang mga literary articles ng playboy..di hamak na may matutunan ka pa kaysa Lifestar section ng Philippine Star

Roy C. Choco, FCD said...

Sabi nga nila, kaya lang hindi pa ko nakakabasa ng playboy eh. :)