NAAALALA MO PA BA ANG PANAHON NA...
- Pogi ka kung kasama sa porma mo ang Sperry Topsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pabangong Chaps, Bowling Green, Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.
- Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.
- Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina's in Shoppesville.
- In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.
- Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.
- Wala pang videoke kundi karaoke.
- Ang preso lang may tattoo.
- Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.
- Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.
- Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.
- Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.
- Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.
- Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.
- Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.
- Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.
- Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.
- Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.
- May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.
- Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
- Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.
- Egoy na egoy pa si Michael Jackson.
- Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.
- Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.
- Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.
- Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.
- Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.
- Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.
- Herbert Bautista was a campus politician.
- P18 to $1 ang palitan sa black market.
- May black market pa noon.
- Illegal pa ang mga paputok.
- Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
- Drag race sa Greenhills at Corinthians
- Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.
- Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.
No comments:
Post a Comment