Ang una ay ang tolerance, sanay na tayo na maski na karamihan sa ating mga kababayan ay mga Katoliko, marami na ring kasapi ng ibang relihiyon. At nasanay na rin tayong respetuhin ang iba't ibang relihiyon ng ating mga kababayan.
Nasanay na tayo sa ganitong sitwasyon, pero ayon sa libro ni Fr. Schumacher, hindi laging ganito ang sitwasyon, noong panahon ng kastila, bawal ang ibang relihiyon, kaya nga
"The new Constitution of 1876...aroused bitter protest from the Vatican and the Spanish bishops, for though it proclaimed Catholicism as the religion of the Spanish nation,...it nevertheless tolerated the private practice of other religions."Hinayaan lang yung ibang relihiyon, nagalit na sila. Sa ngayon marami ang nagsasabi na ang relihiyon nila ang tunay na relihiyon, pero ikaw ang may kapagyarihan pumili kung anong relihiyon ang para sa iyo. Nasa iyo ang kapangyarihan, huwag nating hayaan bumalik sa nakaraang sitwasyon na isang relihiyon lamang ang nagsasabi kung anong relihiyon ang para sa iyo dahil pag nangyari iyon, sila na ang may kapangyarihan. Sila na ang magsasabi kung paano ka mabubuhay, sino pakakasalan mo, sino iboboto mo, ano ang dapat mong malaman.
Pangalawa, palagay ko ay itinuro sa akin ng lahat ng naging guro ko sa kasaysayan ang naging papel ni Gregorio Sancianco sa Propaganda Movement, ang problema hindi ko siya naaalala. Naaalala ko si Pedro Paterno, pero si Sancianco hindi. At hindi ko maubos maisip bakit hindi ko siya maalala. Si Gregorio Sancianco ay sumulat ng isang libro, ang "El progreso de Filipinas". At ayon kay Fr. Schumacher
"Sancianco's book anticipates most of the principal themes of the later Filipino nationalist campaign: administrative reform , eradication of corruption, in the government, recognition of Filipino rights as loyal Spaniards, extension of Spainish law to the Philippines, curtailment of the excessive power of the friars in the life of the country, and assertion of the dignity of the Filipino."at nabasa ni Rizal yung libro niya at
"Jose Rizal at least was impressed by it. Writing from Madrid in 1882 to his brother, he mentioned the proximate return of Sancianco "the author of El progreso de Filipinas" implying that the book was known at least to him and his brother"para siyang si Juan Bautista ng rebolusyon, kinailangan pa na ilang panahon para maging handa ang mga pinoy sa reporma at rebolusyon, at sina Rizal at Bonifacio na ang umani ng kahandaang ito.
No comments:
Post a Comment