Tuesday, July 15, 2008

Ostia

Isa sa mga paborito kong blogger, si P.Z. Myers, ay ipinagtanggol ang isang estudyante na sa halip na kainin, ay iniuwi ang ostia na binigay sa kanya ng pari para sa komunyon. Nagkaroon ngayon ng malaking kontrobersiya sa isyung ito.

Kung gusto niyong basahin, i-browse niyo lang yung blog ni Prof. Myers. Ang importante sa akin, kailan at bakit ba nauso yung binibigay na lang sa mangungumunion yung ostia at sila na ang bahalang kumain nito? Nung nasa high school pa ako at nagsisimba, inilalagay ng pari yung ostia sa bunganga mo. Hindi sana nagkaroon ng ganitong kontrobersiya kung ganito pa ang palakad ngayon.

No comments: