Thursday, November 29, 2007

Tapos na

Nagbibgay na ng statement si dating Bise Presidente Guingona. Lalalabas na daw sila sa Manila Peninsula. May video na ulit ang ABS-CBN na nakatutok sa labas ng Manila Peninsula kung saan mukhang nag hihintay na lang yung mga pulis.

Pinaparatangan nila ngayon ang gobyerno na may sala dahil ni-teargas nila ang mga tao na nasa loob ng Manila Peninsula. Sabi niTrillanes napaka ruthless daw ng gobyerno na ni-teargas sila para matapos na ang kanilang coup o baka mas hysterics ang tamang kataga.

Kaya daw sila lalabas ay dahil sa mga sibilyan para hindi sila masaktan. Hindi nila naisip na kung hindi sila nag walk out sa kanilang hearing at ni-occupy ang Manila Peninsula hindi malalagay sa panganib ang mga sinasabi nilang sibilyan.

Obligatory Marx quote again
“Hegel remarks somewhere that all great, world-historical facts and personages occur, as it were, twice. He has forgotten to add: the first time as tragedy, the second as farce.”
Actually tragi-comic na nga yung Oakwood, ngayon nakakatawa na lang sila.

Hihintayin daw nila na mag disperse ang teargas bago sila lumabas.

Nagsasalita na lang si Trillanes at mga kasama niya ng propaganda. Nasa diyaryo na naman si Trillanes bukas.

No comments: