Thursday, September 27, 2007

200 milyon

Dalawang daang milyon! Ito daw yung pera na sabi ni COMELEC Chairman Abalos na ibibigay kay Sec. Neri kung maaprubahan ang NBN-ZTE. Nahihilo ako sa laki ng pinag-uusapang pera dito. Kay Secretary Neri pa lang iyan, di pa natin alam kung magkano ang mapupunta kay Chairman Abalos, o kung magkano ang mapupunta kina Mike Arroyo, kung kasali nga siya. Paano pa yung mas mabababa ang posisyon sa kanila? May parte din kaya sila? Kung susumahin natin, bilyong piso siguro ang aabutin ng suhol para lang maaprubahan ang proyekto na ito

Nakakahilo, ni hindi ko maarok kung gaano kadaming pera ang 200 milyon. Ni hindi pa ako nakakakita ng 200 libong piso, paano pa kaya ang 200 milyon. Ini-isip ko pa lang nasusuka na ako. Kung may 200 milyon ako puede na akong mag retiro, maski ibangko ko lang siya at maski na 2 porsiyento kada taon ang kita nito, mayroon akong 4 na milyon taon-taon. Hindi ko na kakailanganing maghanap ng bargain na libro sa booksale, puede ko nang bilhin lahat ng librong gusto ko.

200 milyon, putsa.

No comments: