"Makati police chief, Supt. Gilbert Cruz, estimated the crowd at 2,500, mostly from the PDP-Laban Party, of which Binay is national president."Totoo ba ito? Ang PDP-Laban, ang partido na isa sa mga namuno sa paglaban sa diktaturya ni Pangulong Marcos ngayon ay sumusuporta na sa isang corrupt na tao? Ni hindi nila ipinagkakaila na corrupt si Erap, batay sa isang quote kay Mayor Binay.
“If you have to compare it to the ZTE broadband deal, the Erap case is peanuts. If the Erap case is plunder, the ZTE deal is super plunder,” Binay said."Hindi ipinagkaila ni Mayor Binay na magnanakaw si dating Pangulong Estrada, sinasabi lang niya na mas magnanakaw so Pangulong Arroyo.
Hindi ko maubos maisip kung paanong pagbabalu-baluktot ng katwiran ang ginawa nila para iwanan ang kanilang paninindigan para sa isang makatwirang lipunang Pilipino at suportahan ang isang balasubas na magnanakaw ng pera ng gobyerno at ng tao.
No comments:
Post a Comment