Galing sa Aetiology
Ayon dito sa balita kumakalat ang tigdas sa Inglatera dahil marami sa mga magulang doon ang hindi pinabakunahan ang kanilang mga anak.
Ang kanilang dahilan sa pagtanggi nila sa pagpapa-bakuna sa kanilang mga anak ay dahil naniniwala sila na ang bakuna ay puedeng maging sanhi ng pagiging autistic ng kanilang mga anak.
May mga pag-aaral na na nagpapatunay na hindi totoo itong sapantaha na ito. Ipinagpalit nila ang sapantaha na puedeng maging autistic ang kanilang mga anak sa isang sitwasyon na puedeng mamatay ang kanilang mga anak dahil sa tigdas.
Noong bata ako, ang tigdas, bulutong, polio, beke at iba pang sakit ay tinitingnan na normal sa Pilipinas. Ang bawat tao ay malamang magkaroon ng mga sakit na ito.
Ang polio ay isa sa pinaka mahirap tumama sa isang tao, may kaibigan ako na nagka-polio noong bata pa siya at naa-pektuhan ang kanyang mga paa at braso lumaki siya na hindi nakapaglakad o nagamit man lang ang kanyang mga braso. Ang kapatid ko ay na-polio rin noong bata pa siya, buti na lang at hindi grabe kaya lumiit lang ng kaunti ang kanyang kaliwang paa na sa kabutihang palad ay hindi na halata ngayon.
Ang beke ay pina-panalangin na tumama sa batang lalaki habang bata pa siya para hindi siya mabaog at ang bulutong at tigdas ay hinihintay na dumating para magkaraoon na ng immunity ang mga bata, habang nananalangin ang mga magulang na hindi sana magkaroon ng komplikasyon ang kanilang mga anak.
Sa ngayon, may mga bakuna na para panlaban sa mga sakit na ito, hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo pababakunahan ang iyong mga anak.
- revised 1/13/08
No comments:
Post a Comment