Friday, September 21, 2007

Kabaro

Napunta na ba kayo sa isang party kung saan may ibang tao na kapareho niyo ang damit? Alam niyo na ang naramdaman ko ng ipakita ni Nashman na pareho pala ang template na ginagamit namin dito sa blogger.

Bagong pili yung template na ginamit ko, nagsawa na ko sa dati kong template kaya kumuha ako ng bago, hindi ko napansin na pareho ang gamit namin. Pareho na gamit naming pangalan, pareho pa gamit naming template, buhay nga naman, parang life :).

Kaya binago ko ang kulay ng aking blog, hindi ko mabago talaga yung template, pero siguro sa pagbabago ng kulay hindi na masyado halata na pareho gamit namin.

Papagawa na talaga ako sa misis ko ng original na template, matagal na naman niya akong gawan eh.

2 comments:

The Nashman said...

hindi naman ako petty....oki lang. ganun talaga tayong mga poor, hindi ma-afford ang haute couture kaya rtw ang gamit...

Roy C. Choco, FCD said...

thx :)