Tuesday, November 06, 2007

Mag Isip naman kayo

Nadiyaryo na naman si Senator Lacson dahil sa pagbunyag niya ng katibayan na magkakilala nga si Judge Macarambon at si dating Comelec Commissioner Garcilliano. Ang kanyang katibayan? Magkasama sa isang Fraternity yung dalawa.

Ha? Sumakit tuloy ang ulo ko. Ibig bang sabihin ni Senador Lacson lahat ng kasapi at naging kasapi ng isang fraternity ay magkakakilala? Anong klaseng logic yan? Nag-iisip ba itong mga Senador natin? Simpleng logic naman, it does not follow, sa latin, non sequitur.

Kahapon lang sumakit din ang ulo ko kay Senador Trillanes, at sa kanyang witness, minanmanan niya ang Glorietta samakatwid ang Gobyerno ang nagpasabog dito. Diba, logical.

Diyos ko. At bakit pinapabayaan ng mga diyaryo na magbigay ng mga ganitong klaseng pahayag ang mga senador na ito. Dapat pinagtatawanan lang itong mga ganitong klaseng pahayag para matuto sila at sa susunod ay magdala ng mas matibay na katibayan.

2 comments:

The Nashman said...

At least mas OK manguryente si Lacson. He uses Powerpoint presentations. Si Trillanes, wala man lang visual aids :D

Roy C. Choco, FCD said...

At umaamin siya na puede siyang magkamali. Si Trillanes siya lang ang tama.