Tuesday, November 06, 2007

OA

Naging OA na yata ang reaksiyon sa pag-retoke ng National Press Club (NPC) sa kanilang mural. Si Congresswoman Risa Hontiveros, gusto pang sayangin ang oras ng Kongreso para magkaroon ng imbestigasyon sa isyu na ito.
"That is akin to a violation of the freedom [of expression] of an individual which is guaranteed by the Constitution,''
Pero ano nga ba ang karapatang ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas? Ayon sa Article 3, Section 2:
"No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances."
Alin sa taas ang nilabag ng NPC? Wala. Ang mural ay kinomisyon nila, sila na ang may ari nito. Karapatan nilang baguhin yung mural. Karapatan nilang itapon yung mural kung gusto nila.

Sa opinyon ko kaipokritohan iyon, lalo na para sa isang organisasyon na nagsusulong ng karapatan sa pamamahayag, pero opinyon ko lang iyon. Sa opinyon nila ok lang iyon. Walang karapatan ang Kongreso na sabihin sa kanila na huwag pakialaman yung sarili nilang pag-aari. Kaya huwag na nating aksayahin ang oras ng Kongreso para ungkatin pa kung ano ang nangyari.

2 comments:

The Nashman said...

Eh kasi media mileage yan. Di naman kelangan imbestigahin yan ng tongress pero with the allure of the cameras, siempre, maraming gusto magpapogi...

Roy C. Choco, FCD said...

I expected more from her.